Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Ang COVID-19 at ang Pasko

Aminin man natin o hindi, ang ating holiday season ngayong taon na ito ay naiiba. Pero huwag nating gawing dahilan ito upang hindi tayo mag-celebrate ng Kapaskuhan kasama ang ating pamilya.
Maraming pwedeng gawin sa ganitong panahon. Huwag nating kalimutan lalo na sa mga may bata pa ring umaasang magiging maganda ang kanilang Pasko kahit pandemic. Lagi lamang tandaan, kahit sa paanong paraan mo pa i-celebrate ang Pasko, huwag kalimutang panatilihing safe at healthy ang iyong sarili kasama ang iyong pamilya sa panahon ng holidays kahit pa may pandemic.
May mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang hindi nire-rekomenda ang pagbisita sa mga malayong kamag-anak sa panahon ng Kapaskuhan, iisa lang ang dahilan, COVID-19. Pero para hindi masira ang mood ng holidays, gawin mo pa ring festive ang mood sa loob ng iyong tahanan;

Dekorasyon sa loob ng tahanan

Sa Pilipinas, pagkatapos ng November 1 at 2 ay may makikita ka nang naglalagay ng Christmas lights sa labas ng kani-kanilang tahanan. May nagpapatugtog na rin ng Christmas songs upang unti-unti na nilang ma-feel ang pagdating ng Pasko.  Ganyan sana ang ating attitude sa ganitong panahon ng pandemya. Tuloy ang pasko kahit may pandemya.  Hindi nga lang kasing grande tulad noong mga nakaraang Pasko pero ang ilagay sa puso, ang diwa ng Pasko ay mahalaga sa ating mga Pinoy.

Maglagay ng Christmas decorations sa bahay at pagtatayo ng Christmas tree, magluto ng mga pagkaing associated sa Pasko tulad ng hamon, keso de bola, spaghetti, fruit cocktail at iba pa. Lahat yan at maaari naman i-order sa online.

Pagtulong sa Kapwa

Hindi kaila sa ating mga Pinoy ang dinanas ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo bago mag-Disyembre.  Marami sa ating mga kababayan abroad at maging sa Pilipinas ang nagtulung-tulong upang magpaabot ng kanilang konting nakayanan para matulungan ang mga naapektuhan nitong nakaraang bagyo.

Sa panahon ng Kapaskuhan ay makikita mo ang mga good samaritan na nagbibigay tulong sa ating mga kababayan.  Bukod sa mga nasalanta ng bagyo, may mga tao ring taun-taon ay gumagawa ng good deeds upang magbigay ng Pamasko sa mga less fortunate.  Sa ganitong panahon,  pwede rin nating isipin ang pagtulong sa  kapwa.  Para naman sa ating mga anak ay turuan din natin silang maging good samaritan sa pamamagitan ng pagbibigay o pagdo-donate ng kanilang lumang toys na pwede pang mapakinabangan (siguruhing na-sanitized muna ito bago ipamigay para safe sa mga tatanggap ng biyayang ito).

Party via Facetime,  Zoom

Sa makabagong panahon ng social media at virtual media, hindi na rin imposible ang magkaroon ng Christmas party kasama ang mga malalayong kamag-anak sa pamamagitan ng zoom o facetime.  Hindi na imposible sa ganitong panahon kaya hindi dapat malungkot o manghinayang dahil hindi kayo makapag-travel para makasama ang mga kamag-anakan.  Isang tawag lang at kung may camera at facebook ay solve na ang inyong sama-samang selebrasyon ng Pasko.

Bake cookies

Sa loob naman ng tahanan, para hindi rin bored ang inyong mga anak, sama-sama kayong mag-bake ng cookies o gumawa ng gingerbread house at mag-decorate nito. Masaya ang sama-samang nagbe-bake at nagde-decorate ng mga cookies. Ang amoy ng baked cookies ay isa sa mga nagbibigay ng festive mood sa atin.

Personalized Christmas cards

Ang sama-samang paggawa ng holiday Christmas cards.  Kung hindi kayo makakadalaw sa inyong matatandang kamag-anak, pwede nyo silang padalhan ng personalized Christmas cards.  Dati naman ganito ang ginagawa ng ating mga lolo at lola noon eh, noong wala pa ang internet o email o social media, sulat ang kanilang paraan para maiparating ang kanilang pagbati ng maligayang Pasko.

Movie Nights

Isa pa sa paraan para ma-enjoy ang panahon ng Kapaskuhan ay ang sama-samang panonood ng movie.  Pwedeng gawin ito pagsapit ng unang araw ng Disyembre.  Ihanda na ang kung anong movie ang panonoorin sa ilang gabi kayo manonood at mag-prepare ng mga snacks tulad ng Christmas cookies, mga inuming napapanahon tulad mga hot cocoa, peppermint mocha drink etc.

Drive around

At kung gusto nyo naman na lumabas, pwede kayong mag-drive sa paligid kasama ang pamilya at pagmasdan ang mga iba’t ibang kulay ng ilaw na naka-display sa labas ng mga popular na lugar.  Kahit pa may pandemya, ay hindi naman kinalimutan ng mga shopping malls o department stores na maglagay ng makikinang na displays para magkaroon ng Christmas spirit sa paligid.

Christmas morning breakfast

At pagsapit ng Christmas morning, hindi magiging kumpleto ang celebration kung walang holiday breakfast na ihahain sa hapag kainan. Mga pagkaing may spirit ng Christmas.

Kahit ano pang paraan ng pagse-selebra ng Pasko ay huwag pa rin nating kalimutan na laging isapuso ang diwa ng Pasko.  Ang coronavirus ay lilipas din pero ang Kapaskuhan ay taun-taon pa ring darating sa atin. 

Maligayang Pasko sa ating Lahat!