Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Pagsusuot ng Face shield ibabalik nga ba?

Ngayong patuloy na bumababa ang kaso ng covid-19 sa bansa ay medyo nakahinga ang mga tao at lumuwag din ang restrictions.  Para sa mga lugar na ang alert level ay mababa na sa 3, pinayagan nang huwag isuot ang face shield.  Marami ang natuwa dahil may mga dahilan sila kung bakit nakiusap sila sa pamahalaan na huwag nang gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield.

Subalit mukhang ibabalik na naman ng pamahalaan ang pagpapasuot ng faceshield dahil may bagong banta na naman sa kalusugan ng mamamayan.  Biglang nagkaroon na naman ng pagtaas ng kaso o tinatawag na surge mula sa Europe at sa South Africa at ilang kalapit bansa.

Dito nagbago muli ang disposisyon ng Pamahalaang Duterte.  Bubuksan na sana ang Pilipinas sa mga turista at pati ang pagluluwag ng quarantine protocol ay ganun, pero dahil sa nakaambang panganib, ipinagpaliban muna ang pagpapapasok ngmga turista at iba pang biyahero na magmumula sa mga bansang naaapektuhan ngayon ng bagong variant na tinawag nilang OMICRON.

Sa ngayon ay bantay sarado ng gobyerno ang paliparan sakaling may makapasok na biyaherong infected ng nasabing variant.