Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Number Coding, Ibabalik na

Noong kasagsagan ng pandemya ay tigil lahat at kasama na diyan pati ang number coding na ipinatutupad ng pamahalaan upang malunasan ang sobrang traffic sa bansa na nakaka-apekto sa lahat ng taong nagko-commute.  Sa sobrang traffic ay halos isang buong araw na sa kalsada ang mga taong nagtatrabaho at uuwing gabi na o sa umaga ay nale-late sa trabaho.

Pero noong nagkaroon ng lockdown ay biglang lumuwag ang paligid dahil walang mga sasakyan sa kalsada na pumupuno ng polusyon sa kapaligiran.

At matapos ang mahigit isang taon, unti-unti na ring nagluluwag ang bansa sa mga ipinatupad nilang restrictions.  At sa huli, napagkasunduan ng lahat ng Metro Manila Mayors sa pamumuno ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos.  Ipatutupad muli ang number coding pero may oras.  Ipapatupad lamang ang number coding during rush hours o pag-uwi ng mga office workers mula sa opisina at tinatawag nilang rush hour mula 5:00 nghapon hanggang 8:00 ng gabi. At ang number coding na ipapatupad ay para lamang sa mga private owners pero papayagan naman sila kung pista opisyal o  holiday.