Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken Embutido

Sangkap:

  • 750 g boneless at skinless chicken breast
  • 1 maliit na siling pula, tadtarin
  • 1 maliit na carrot, tadtarin
  • 1/2 tasang pasas ( raisins )
  • 1/2 tasang grated cheddar cheese
  • 3/4 tasang  bread crumbs
  • 3 kutsarang pickle relish
  • 1 itlog, batihin ng konti
  • 3 kutsarang tomato ketchup
  • 1/2 kutsaritang pamintang puti
  • 1 kusaritang asin
  • 1 maliit na sibuyas, tadtarin
  • 2 pirasong bawang, tadtarin

Paraan:

1.     Pagsamahin ang lahat ng sangkap sa bowl, at haluin gamit ang malinis na kamay.

2.     Hatiin ang mixture sa apat at ihanda ang aluminum foil, ilagay ang kalahati ng mixture sa foil at i-roll na parang log. Ibilot ung dulo para ma-seal ang laman sa loob.  Ganun din ang gawin ang natitirang mixture.

3.     Ilagay ang binilot na embutido sa steamer at i-steam sa loob ng 45 minuto.

4.      Hanguin mula sa steamer ang nalutong embutido at itabi sa loob ng 5 minuto.

5.     Alisin mula sa pagkakabalot sa foil at hiwain at ayusin sa serving platter at ihain.

Recipe credits www.angsarap.net