Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pagsasara ng Subic airport kinontra

Tinutulan ng iba’t ibang grupo sa lungsod ng Olongapo ang plano ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Roberto Garcia na ipasara at buwagin ang Subic Bay International Airport upang bigyan daan ang pagtatayo ng isang commercial complex na may mga condominiums, malls at iba pang recreational facilities.  Maging ang Sangguniang Panlungsod, mga negosyante, tourism groups at mga residente ng Olongapo at ng Subic Freeport ay nagkaisa sa pagsasabing hindi praktikal ang balak ni Garcia.

Ayon sa bagong SBMA Chairman ay hindi na kumikita ang SBIA mula ng lisanin ito ng higanteng courier na FedEX at wala na itong masyadong pakinabang. Bankrupt na aniya ang SBMA at ang pagtatayo ng isang commercial zone sa 200 hektaryang lugar sa Cubi Point ang isa sa nakikita niyang solusyon.

Sinabi naman ng Sangguniang Panlungsod sa ipinalabas nitong resolusyon na bagama’t suportado nila ang pagpapalawak ng mga negosyo sa Subic ay hindi kailangan isara ang airport.- (Pilipino Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *