Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

$50 singil sa OFWs, aalisin

Dahil sa mga batikos mula sa iba’t ibang sector lalo na sa mga OFWs ay binawi ni Manila Rep. Trisha Bonoan-David ang kanyang panukalang batas na gawing $50 ang sinisingil sa mga umaalis na overseas Filipino workers upang magkaroon ng repatriation fund.

Sa kasalukuyan ay $25 ang sinisingil ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa bawat umaalis na OFW.

Isang 35-anyos na OFW sa Hong Kong na si Teresita dela Cruz ang nagsabi na “baka ang akala ng HB author ay pinupulot ang pera sa abroad. Hindi niya alam na matinding hirap at pagtitiis ang aming nararanasan, bukod pa sa sakripisyo bago kitain ang US$50 na gusto niyang kunin mula sa hard-earned money o take-home pay naming mga OFW.”- (Pilipino Star)