Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

‘Magpaka-justices kayo!’

“Ang Pangulo ay nagsalita na. Magtrabaho na sila, ang dami pang pending cases. Magpaka-justice sila”.  Sa pahayag na ito ni Akbayan Partylist Representative Arlene Bag-ao ay tinira nito ang pitong mahistrado na wala sa flag-raising ceremony ng Korte Suprema. Ang pitong mahistrado na ito ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Arturo Brion, Presbitero Velasco at Martin Villarama Jr. na pawang mas matatanda sa bagong Chief Justice na si Sereno. Aniya, dapat magpakita ng respeto ang mga mahistradong it okay Sereno bilang punong mahistrado sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, kakayahan at opinion. (Philippine Daily Inquirer)