Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Online Shopping Apps in case of Crisis

At dahil naka- Enhanced Community Quarantine ang halos lahat ng tao sa mundo, umuusok ang
online shopping para dun na lamang mamili, mapa-grocery at iba pang necessities na kailangan
sa loob ng bahay para hindi na kailangang lumabas. Paalala lang na dahil sa halos lahat ng tao ay
sa online shopping umaasa, dapat mahaba ang pasensya sa paghihintay ng inyong mga orders.
Ang big 3 na maituturing sa online shopping ay ang Amazon, Rakuten at Yahoo Shopping. Pero
mayroon ding ibang online shopping sites na pwedeng puntahan na ayon sa kung ano ang inyong
kailangang bilhin.

Amazon

Kung ikaw foreigner na may Amazon account sa iyong bansa, at ikaw ay kasalukuyang nasa
Japan, kailangan mo pa ring gumawa ng Amazon Japan account. Ang maganda rito, pwede mo pa ring gamitin ang parehong email address (mula sa iyong bansa) at password sa Amazon Japan.

Ang Amazon Prime sa Japan ay mas mura kesa sa Amazon U.S. Maaari kang mag sign-up sa
loob ng 1 taon in advance o i-bill ka monthly ng 400 yen at mabibigyan ka ng libreng expedite
shipping sa halos lahat ng items na bibilhin mo at may kasama pang unlimited streaming ng
music at videos. Ang dalawang mapapakinabangang services mula sa Amazon Japan ay ang
Amazon Fresh at Amazon Family.

Para sa karagdagang kaalaman: https://www.amazon.co.jp/

Rakuten

Ang Rakuten ay nago-offer ng produkto hanggang serbisyo anything under the sun. Mula sa
insurance, banking, travel reservations, paga-apply ng credit cards at marami pang iba na makikita mo sa kanilang home portal. At walang monthly fee para ma-access ang kanilang prime features tulad ng libreng next day shipping at Rakuten Mama Wari. Bagkus, ang Rakuten ay may point system na makakatulong sa iyo upang makaipon ng points na magagamit sa lahat ng affiliate ng Rakuten.

Para sa karagdagang kaalaman: https://www.rakuten.co.jp/

Coop

Isang home delivery service na nahahati sa apat;
Weekly: Ang delivery na ginagawa 1 beses sa isang linggo sa bahay ng miyembro ng Coop o sa designated location. Ang orders ay dapat itawag 1 linggo bago ang delivery day. Ito ang main business ng Co-Op Deli at kung saan ang SAS ay ginagamit.
Daily: Ito ay ang boxed meals at ibang items na dine-deliver araw-araw.
Specified Delivery: Kapag Amazon o iba pang electronics commerce ( e-commerce) sites na o-orderan.
Direct Delivery: Ang delivery na nagmumula mismo sa factory o warehouse na makikita sa electronic commerce ( e-commerce).

Para sa karagdagang impormasyon: https://www.coopdeli.jp/

Ito ang site para sa electronics, computers, appliances, cell phones, video games at iba pang
bagong technology.

Para sa iba pang impormasyon: https://www.biccamera.com

Ang SHOPLIST ay isang fashion shopping site kung saan makakakita ka ng wide range ng
fashion items para sa kababaihan, kalalakihan at kabataan. Iba’t ibang paraan ng pagbabayad at maraming deals at events na makikita sa site nito.

Para sa karagdagang impormasyon: https://shop-list.com/


Matsumoto Kiyoshi

Ang drugstore shopping online na makakakita ng high quality products na over the counter.

Para sa karagdagang kaalaman: https://www.matsukiyo.co.jp


AEON Net Super

Mga fresh o sariwang produce o gulay na pwedeng orderin online at ide-deliver din ng fresh.

Para sa karagdagan impormasyon: https://shop.aeon.com/netsuper/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *