Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Enhanced Community Quarantine sa Pilipinas

Noong ika-17 ng Marso nagsimula ang Enhanced Community Quarantine sa Pilipinas dahil sa COVID-19. Maraming Pilipino ang nalito dahil sa biglaang pagpapatupad ng enhanced community quarantine. Ayon kay President Duterte, dapat manatili ang mga tao sa kani-kanilang bahay sa loob ng isang buwan; isarado ang mga tindahan maliban sa pamilihan, bangko at tindahan ng mga gamot; at magkakaroon din ng checkpoints sa buong Luzon. Kaya naman maraming manggagawa na galing sa trabaho ang nagpanic sa kanilang pag-uwi sa kanya-kanyang lugar dahil baka sila ay ma-stranded sa daan.

Noong ika-23 ng Marso nang naipasa ng kongreso ang batas na Republic Act 11489 o ang tinatawag na “Bayanihan to Heal as One Act”. Ang batas na ito ay nagbibigay ng karagdagang awtoridad sa Presidente upang malabanan ang COVID-19 sa Pilipinas. Ngunit dahil sa pagtaas ng kaso ng apektado ng virus, inanunsyo ng Presidente noong ika-6 ng Abril na pahabain ang ECQ hanggang Mayo 15.

Sa mga oras na ito, ang Pilipinas ay may 7,579 katao na ang nakumpirmang may kaso ng COVID-19, ang 862 rito ay gumaling na at 509 naman ang nasawi. May mga sikat at kilalang tao rin ang di nakaligtas sa sakit na ito tulad nina Christopher de Leon na isang actor at gumaling; Iza Calzado na isang aktres at gumaling; si Sen. Miguel de Zubiri, si Sen. Koko Pimentel; ang namayapa na si Ito Curato, isang sikat na fashion designer; at ang beteranong aktor na si Menggie Cobarrubias na nasawi rin.

Patuloy pa rin ang gobyerno sa pagsugpo ng sakit na ito hanggang sa ngayon. Ang mga siyudad ay nagbigay na ng mga relief good sa kani-kanilang baranggay. Tumulong na rin ang ibang ahensya ng pamahalan para masuportahan ang mga mamamayan. Ang DSWD din ay may programang naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa 18 milyong nangangailangang pamilya sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng Bayanihan to Heal as One Act. Ang bawat pamilyang kasama sa SAP ay makakataggap ng P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob nang dalawang buwan.

DSWD SAC FORM

Dahil sa sitwasyon, marami ang nagbigay suporta sa mga frontliner kabilang na rito ang mga doktor, nurses, pulis, sundalo at iba pa. Sila ang mga tao na nagsasakripisyo para sa bansa. Marami ring mga ordinaryong tao na may mabubuting puso na nagpamahagi ng donasyon tulad ng pagkain, gamot at medical supplies sa mga ospital at checkpoints. Sa ngayon, ang hiling at dasal lang ng mga Pilipino at ng buong mundo ay matapos na ang pandemic na ito.

GMAKF turned over the much needed supplies for the medical frontliners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *