Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Help Your Immune System Fight Off the Corona

Sa panahon ng Enhanced Community Quarantine, marami
ang nagtatanong kung ano ang pwedeng gawin sa bahay na
magiging makabuluhan? Walang iba kundi ang pagkain ng
masustansiya at tamang page-ehersisyo.

Pero may paalala ang mga eksperto. Hindi masamang mag-exercise pero ang dapat ay tama lamang. Hindi sobra at hindi rin kulang. Tinatawag ito ng mga Scientists na “J-shaped” curve. Ayon din sa mga researchers, ang ehersisyo ang nagi-impluwensiya sa immune system ng ating katawan. Ang exercise immunity na tinatawag ay  nagre-refer sa systematic (buong katawan) at mucosal (mucous lining of the respiratory tract) response ng ating katawan laban sa mga nakakahawang virus.

Ang tamang ehersisyo na ginagawa 3 beses sa isang linggo ay nagpababa ng panganib na pagkamatay noong panahon ng flu outbreak sa Hong Kong taong 1998. Ayon sa isinagawang pag-aaral, mas maraming namatay na mga taong hindi nag-ehersisyo o yung sobrang ehersisyo (araw -araw na ehersiyo) kesa sa mga nage-ehersisyo ng tama lang. 

Narito ang guidelines para mag-ehersisyo ng tama lang:

1. Mag-ehersisyo ng mild to moderate (20-45 minuto), hanggang sa 3 beses per week.

2. Sikaping mapanatili (hindi dagdagan) ang lakas o fitness habang nasa quarantine period.

3. Iwasan ang physical contact habang nage-ehersisyo tulad ng team sports, dahil sa ganito mas malamang na makuha ang virus sa pamamagitan ng mucosal fluids o hand-to-face contact.

4. Hugasan at i-disinfect ang ginamit na equipment pagkatapos ng ehersisyo.

5. Kung pupunta sa gym, (pero sa panahon na ito dahil sa enhanced quarantine ay wala nang bukas na gym), pumunta sa well ventilated at umiwas na makatabi sa grupo ng nage-ehersisyo.

6. Iwasan muna ang makipagkita sa barkada o mga kaibigan. Mas mabuting magkita o mag-usap sa pamamagitan ng text o social media.

7. Kumain at matulog ng tama para mapalakas ang immune system.

ADVERTISEMENT

Risky ba ang mag-ehersisyo ng sobra? Oo, kahit anong bagay na kapag sobra ay  hindi tama. Sa kaso ng page-ehersisyo, mainam ang ehersisyo sa katawan pero kung sobra naman ay imbes na lumakas ang iyong katawan, ay bubugbugin mo lang ang iyong muscles na hindi rin mainam na pwede kang magkasakit. At kapag nagkasakit ay hihina ang resistensiya na pwedeng dapuan ng virus.

Narito ang mga HINDI dapat gawin:

1. Pag-ehersisyo ng sobra. Dahil kapag sobrang pagod ang katawan, mas malamang na makakuha ng infection. Isang ehemplo ay yung marathon running.

2. Pag-ehersisyo kung masama ang pakiramdam o may sintomas ng flu.

3. Pag-eehersisyo ng mahigit sa 5 araw sa isang linggo.

4. Pagpunta sa mataong lugar para mag-exercise.

5. Mag-share ng inumin o eating utensils.


Ang J-shaped (“;just right”) curve ay nagsa-suggest na ang ehersisyo ay mainam kung ginagawa ng sakto lamang. Para sa mga fitness fanatics, sila ang mas higit na tinamaan ng sitwasyon. Hindi na sila pwedeng magpunta ng gym pansamantala habang naka-impose ang community quarantine. Pero para naman din ito sa ikabubuti ng lahat upang maiwasan ang paglaganap pa ng virus na kumikitil sa maraming buhay sa buong mundo.

Ayon sa mga experts, mag exercise sa bahay para mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan. Gawin ng tama lang ang page-exercise. walang labis walang kulang. Yung tama lamang na pagpapawisan at ma-stretch ang katawan.

Para sa ating lahat, ang pagsunod sa payo ng pamahalaan at guidelines upang mapanatiling safe ang  bawat pamilya ng kanilang nasasakupan ay hindi masama, bagkus, makakatulong ito upang maging ligtas laban sa coronavirus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *