Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

National ID ipipilit

Matagal-tagal na rin ang isyung ito tungkol sa National ID o pagkakaroon ng National Identification System  ( NIS) sa Pilipinas.  Ipinipilit ito sa kongreso dahil sa napag-alaman nilang 60 porsiyento sa mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas ay walang ID. Ang layon nito ay upang hindi mahirapan ang mga Pinoy na makipagtransaksiyon sa anumang sangay ng gobyerno.

Magkagayunman, tinitiyak ng mga kongresistang nagsusulong ng panukalang ito na hindi mangyayari ang pinangangambahan ng ilang grupo na magagamit umano ang NIS para labagin ang karapatang pantao ng mga Pilipino dahil maglalagay sila ng safeguards sa panukala.  Ang mga kongresistang nagsusulong nito ay sina Albay Rep. Al Francis Bichara at Camiguin Rep. Pedro Romualo.