Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

‘Chinese languages’ ituturo sa mga estudyante

Sa kabila ng iringan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Tsina, ay hindi naman tatanggalin ng  Department of Education ( DepEd) ang opsyon na isama sa kanilang kurikulum ang pagtuturo ng dayuhang lengguwahe kasama na ang “Chinese languages.”
Magsasagawa muli ng Special Program in Foreign Languange ( SPFL) 2012 Summer Training Courses for Teachers para mapataas ang nalalaman ng mga guro sa pagtuturo ng mg dayuhang wika.
Matatandaang inilunsad ang nasabing programa noong 2009 sa mga piling paaralan sa high school kung saan itinuro ang wikang Espanyol, French at Japanese at German naman ang idinagdag nung sumunod na taon at sa taong ito ay Chinse language naman ang kanilang ituturo.
Ang layon ng programang ito ay upang madebelop ang kakayahan n gating mga mag-aaral sa pakikinig, pagbabasa at pagsusulat ng dayuhang lengguwahe at ihanda ang mga ito para sa kinabukasan.