Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

CGMA, isasailalim sa eksaminasyon

Dahil sa humihirit muli angkampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo upang magpagamot sa ibang bansa ay iminungkahi ni House Speaker Feliciano Belmonte na ipasailalim ito sa masusing eksaminasyon upang matukoy kung talagang kinakailangang magpagamot sa ibang bansa.  Kailangan, diumanong makuha ang opinyon ng mga espesyalista sa bansa ukol sa lagay ng dating pangulo kung kaya ba nitong gawin ang ‘corrective surgery’.

Ipinapaliwanag pa ng House Speaker na madali umanong gawin ang mga pagsusuri dahil ito ay naka-hospital arrest.
Sa kabilang banda, nagpahayag naman ng saloobin si party list Rep. Sherwin Tugma na kailangang makatiyak sa kalagayan  ni CGMA bago ito tuluyang payagang makapag-pagamot sa abroad dahil responsibilidad umano ng estado na siguruhing ito ay nasa hurisdiksiyon ngkoret upang harapin ang mga kaso nito na walang recommended bail.