Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Muling Pagtaas ng kaso ng Covid, Isinisisi sa Pag-aalis ng Mandatory face mask

Unti-unti na namang  tumataas ang kaso ng covid 19 sa Pilipinas,  ang mga ospital ay unti-unti na namang napupuno ng mga pasyenteng positive sa covid.

Isinisisi ng ilang sektor at maging ang ilang healthcare workers at mga duktor ang pagpapaalis ng mandatory face mask sa outdoors.

Ngayon ay nasa imoderate risk na naman ang NCR dahil sa patuoy na pagtaas ng kaso.

Anang business sector, hindi naman masama ang magtanggal ng face mask sa labas pero ito ay hindi mandatory.  Ibig sabihin, nasa tao pa rin kung gusto nila manatiling may suot na face mask kahit na nasa labas.

Maging si DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay nagpahayag rin na kung lalo pang tataas ang kaso ng cvid dahil sa pinatutupad na non-mandatory na pagsusuot ng face mask ay malamang na ibalik ito sa pagiging mandatory para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *