Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

START UP PH, Humataw sa ratings sa pilot episode

Ang pagbanggit pa lamang ng pangalan nina Bea Alonzo at Alden Richards sa kanilang unang pagtatambal sa teleserye sa GMA 7, hindi na maikakaila na ito ay siguradong aabangan at panonoorin ng mga masugid na kapuso televiewers.

At siyang tunay, ang pilot episode ng Start Up PH na pinagbibidahan  ina Alden at Bea ay umarangkada sa ratings at naiwan sa ere ang kapanabayan. Masayang-masaya ang buong cast sa pagtangkilik ng mga manonood sa Start Up PH.  Umaasa silang magpapatuloy ang pagtangkilik dito dahil umpisa pa lamang ito ng masaya at nakakakilig na mga eksena sa pagitan nina Bea at Alden.

Gagampanan ni Alden ang role na Tristan a.k.a. Good Boy, kasama niya anng multi-awarded actress and box office queen na si  Bea Alonzo na gaganap naman bilang si Dani.

Bukod kina Alden at Bea, kasama at gaganap rin ng mga important roles sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.

“We have a show and it is something that we can be very proud of. ‘Yung fans ng Korean version, gusto nilang makita na itong Filipino adaptation is something worth their while and based sa trailer, may laban po kami. Aside from that, I’m sure that the whole cast is very proud to have Bea in this show. She puts good pressure on us, especially with the way she handles her character,”  masayang pahayag ni Alden.

Nagpahayag rin si Bea sa kanyang kauna-unahang teleserye sa bakuran ng GMA Network at ang pagtatrabaho kasama ang mga Kapuso artists,” Of course, may adjusting period kasi first time ko silang makasama lahat. But I’m always on my toes trying to let them feel na okay akong katrabaho and I try to be the best version of myself in front of them. Now that I’m restarting, mas ine-enjoy ko every moment. Hindi ako fearful to try new things.”