Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Morcon

Morcon is nowhere near a sausage but it more of a beef roll or roulade that is stuffed with ham or bacon, eggs, cheese, pickles, raisins, strip of fat and liver. It is then braised, baked, roasted or boiled slowly then served in a thick tomato based gravy. It is one of the special dishes in Philippine cuisine which is nearly similar to the stature of leg roast in the Western world where it is served on family lunch gatherings, Christmas dinners or feast days (fiestas).

Sangkap:
  • Beef Roulade
  • 700 g rib eye of round, bilhing buo o maaari rin ipahiwa ng manipis (1/3 ) bawat sheet
  • 150 g giniling na atay ng baka
  • 2 pirasong pickles, hiwaing pahaba sa apat na piraso
  • 6 piraso ng bacon
  • 4 piraso ng nilagang itlog, hiwain ng pahaba
  • 4 pirasong ½ in x 5 na keso hiniwang pahaba
  • ½ tasang pasas
  • ¼ tasang harina
Marinade
  • ¼ tasang lemon juice
  • 3 kutsarang soy sauce (toyo)
  • Morcon Sauce
  • 2 tasang beef stock (sabaw ng baka)
  • 1 tasang red wine
  • 2 malakinhg sibuyas na pula, hiwaing pakuwadrado
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 pulang bell pepper
  • 1 latang chopped tomatoes
  • 3 kutsarang tomato paste
  • 1 kutsaritang dried oregano
  • 2 kutsarang tinadtad na basil
  • paminta
  • bay leaf (laurel)
  • asin
  • olive oil
Paraan:
  1. Ibabad ang karne sa lemon juice at toyo sa loob ng 3 oras.
  2. Ilatag ang hiniwang beef sa isang flat na lalagyan o maaaring baking pan at ilagay ang mga sangkap, unahin ilagay ang giniling na atay.
  3. Ilagay ang strips ng bacon.
  4. Ilagay ang keso at pickles.
  5. Ilagay ang itlog at ang pasas sa ibabaw.
  6. Umpisahang i-rolyo ang beef at siguruhing hindi kakalat ang mga sangkap na inilagay.
  7. Itali ang rolyo ng cooking yarn para maiwasan ang pagbukas ng rolyo.
  8. Lagyan ng konting harina sa ibabaw at itabi.
  9. Lagyan ng mantika ang pan at ilagay ang beef roll hanggang ito ay magkulay brown, hanguin at itabi.
  10. Sa parehong pan ay igisa ang bawang, sibuyas at bell pepper. Ilagay ang wine para ma-deglaze ito.
  11. Sa isang kaserola, ilagay ang na-deglazed na wine, beef stock, chopped tomatoes, laurel at ang beef.
  12. Siguruhing nakalubog ang beef sa sabaw at kung kulang ay dagdagan ng tubig, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto.
  13. Idagdag ang tomato paste, paminta at asin (pakuluin sa karagdagang 30 minuto o hanggang lumambot ang beef.
  14. Kapag malambot na, hanguin ang beef at itabi. Alisin sa sabaw ang dahoon ng laurel at gamit ang hand blender ay i-blender ang sabaw hanggang lumapot ito, kung malabnaw pa rin dahil sa tubig, pakuluin pa sa katamtamang init ng apoy na walang takip at kung sobrang lapot naman ay dagdagan ng kaunting tubig.
  15. Lasahan ng asin at paminta at patayin ang apoy.
  16. Hiwain ang rolyo ng beef ng pahalang,1.5 ang kapal at ilagay sa serving plate at ibuhos sa ibabaw nito ang tomato gravy.
  17. Lagyan ng olives o cherry tomatoes pang dekorasyon.