Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Custard Cake

Sangkap:

Caramel

  • 1 tasang granulated sugar
  • ¼ tasang tubig
  • Custard
  • 8 egg yolks ( pula ng itlog)
  • 1 malaking lata (400g) ng gatas na malapot
  • 1 tasang fresh milk
  • ¼ tasang granulated sugar

Cake

  • 1½ tasang cake flour
  • 1 kutsaritang baking powder
  • ½ tasang fresh milk
  • 1 kutsaritang lemon juice
  • 6 egg yolks
  • ½ tasang granulated sugar

Custard Cake
Meringue

  • 6 egg whites (puti ng itlog)
  • ½ kutsaritang cream of tartar
  • ½ tasang granulated sugar
Paraan:

Caramel

  1. Initin ang 9 x 13″ na baking pan sa stove sa katamtamang init ng apoy.
  2. Ibuhos ang granulated sugar at tubig at i-caramelize ito. Haluin ang dalawang sangkap para siguruhing ito ay kumalat sa buong baking pan.
  3. Palamigin at itabi.

Custard

  1. Sa isang mixing bowl, gamit ang tinidor ay batihin ang pula ng itlog, ihalo ang gatas at asukal. Siguruhing ang mga asukal ay natunaw.
  2. Ibuhos ang custard mixture sa baking pan kasama ang tumigas na caramel. Itabi.

Cake

  1. Sa magkaibang mixing bowl, gamit ang hand mixer, batihin ang pula ng itlog habang unti-unting inilalagay ang asukal, itigil ang pag-mix kapag nagkulay lemon ( dilaw) ito.
  2. Salain ang harina at baking powder at unti-unting ilagay ang harina, gatas sa yolk mixture.
  3. Ilagay ang lemon juice at haluin hanggang maging smooth at itabi.

Meringue

  1. Gamit ang mixer, batihin ang puti ng itlog hanggang maging fluffy o mabuo at ilagay ang cream of tartar. Ituloy ang pag-mix hanggang mabuo ito.
  2. Ilagay unti-unti ang granulated sugar habang patuloy ang pag-mix hanggang ang meringue ay medyo tumigas.

Custard Cake

  1. I-preheat ang oven sa 180C.
  2. Isama ang cake mixture sa meringue mixture hanggang maghalo ang dalawang mixture.
  3. Ibuhos ang buong mixture sa ibabaw ng custard at huwag haluin dahil babagsak ang custard dahil mas siksik ito kesa sa meringue cake mix.
  4. Ilagay ang cake pan sa mas malaking size na pan na may mainit na tubig.
  5. Ilagay ito sa gitna ng oven at i-bake sa loob ng 1 oras o hanggang maging firm sa init na 180C.
  6. Alisin ang buong pan at ilagay sa cooling rack, hayaang lumamig.
  7. Kapag malamig na ito ay alisin ang cake pan mula sa malaking pan at palamigin pa.
  8. Para mas madaling maalis ang cake sa pan ay gamitin ang cake knife at padaanan ang gilid ng pan, pataob na ilagay sa cake platter. Palamigin sa ref at ihain.