Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kinamatisang Salmon

Sangkap:
  • 3 pirasong malalaking salmon steaks
  • 2 400 g lata ng Italian style chopped tomatoes
  • 4 pirasong Roma tomatoes, tadtarin
  • 1 malaking puting sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at tadtarin
  • 1 kutsarang red wine vinegar
  • 1 kutsaritang asukal
  • 1 kutsaritang dried oregano
  • basil leaves, pira-pirasuhin
  • paminta
  • asin
  • olive oil

Paraan:

  1. Lagyan ng asin at paminta ang bawat side ng salmon steak.
  2. Sa pan, maglagay ng mantika at kapag mainit na ito ay ilagay ang salmon at iprito ito hanggang magkulay golden brown at maluto. Hanguin ang salmon at itabi.
  3. Gamit ang parehong pan, magdagdag ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Kapag medyo malambot na ang sibuyas sa kawali ay ilagay ang kamatis, asukal at basil, lutuin hanggang ang kamatis ay lumambot.
  5. Ibuhos ang Italian style chopped tomatoes at oregano at pakuluin. Hayaang kumulo sa loob ng limang minuto. Takpan.
  6. Ihalo ang red wine vinegar at lasahan ng asin at paminta.
  7. Ilagay ang salmon sa isang oven-proof dish at ibuhos ang chunky tomato sauce sa ibabaw at i-bake ito sa init na 230C sa loob ng 10 minuto. Pagkatapos ng 10 minuto ay alisin ito mula sa oven at ihain habang mainit.