Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Monetary Assistance for Everyday Lives

Ang money assistance na ito ay pantulong sa pang-araw-araw na gastusin ng isang indibiduwal o ng isang kumpanya. Iba’t ibang kategorya para sa iba’t ibang klase ng pangangailangan;

1. Emergency Petty Cash Funds

Ito ay isang uri ng loan para sa mga taong nagkakaroon ng problemang pinansiyal dahil sa resulta ng pagkawalan ng trabaho.

Eligibility: Para sa mga taong nawalan ng trabaho pansamantala at hindi makaagapay sa pang-araw araw na gastusin at pagbayad ng bills.

Maximum loan: 200,000 yen. Ito ay interest free at hindi nangangailangan ng guarantor. Ang deferral period nito ay hanggang 1 taon at ang maturity ng loan ay hanggang 2 taon.

2. Comprehensive Support Funds

Ito ay uri ng loan na nagko-cover naman sa mga taong naghihirap sa panahon ng pandemic. Mga taon nawalan ng temporaryong pagkakakitaan, o mga tuluyang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang kanilang kumpanyang pinagtatrabahuhan.

Eligibility: Mga households na nakararanas ng paghihirap dahil sa kakulangan ng kita.

Maximum loan: Hanggang 200,000 yen kada buwan (mula 2 katao o higit pa)

Hanggang 150,000 yen kada buwan (1 katao) (Loan period: hanggang 3 buwan)

Ito ay interest free at hindi nangangailangan ng guarantor. Ang deferral period nito ay hanggang 1 taon at ang maturity ng loan ay hanggang 2 taon.

3. Sustainable Cash Payout (for small to mid-sized company owners and individual business owners)

Isang cash payout na maaring gamitin para sa panggastos o suporta na kinakailangan para maipagpatuloy ang daloy ng negosyo. Makakatulong hindi lamang sa business owners kundi maging mga nagtatrabaho sa kumpanya.

Eligibility: Mga kumpanyang bumaba ng 50% o higit pa ang kita sa panahon ng pandemic kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Hindi Eligible: Mga malalaking kumpanya na may 1 billion yen o higit pa na kapital.

Halaga ng payout: 2,000,000 yen para sa isang organization, at 1,000,000 yen naman para sa single proprietorship.

For Inquiries: Para sa maliit at medium-sized business finance/ payout consultation desk.

Tel. No. 0570-783183

Hours: 9:00AM ~ 5:00PM kasama weekends at holidays

Sumangguni rin sa Ministry of Economy, Trade, and Industry bago mag-submit ng application.

4. Welfare Benefit System ” Who is eligible?”

Ang layon nito ay upang makapagbigay ng kinakailangang proteksyon sa mga nahihirapan sa panahon ng pandemya at makatulong na muling makabangon base na rin sa kung gaano ang antas ng pangangailangan.
Kayo ay eligible kung makikita niyo ang inyong kalagayan sa ibaba:

  • Assets tulad ng bahay, saksakyan, savings sa bangko na hindi agad available para sa immediate use.
  • Ang pagma-may-ari ng bahay at sasakyan ay pwedeng i-allow bilang exception.
  • Isang indibiduwal na hindi makakita ng trabaho o hindi sapat ang sweldong kinikita para sa pangangailangan sa pang-araw kahit nagtatrabaho.
  • Isang indibiduwal na hindi pa rin sapat ang pera panggastos sa araw araw kahit tumatanggap na ng pera mula sa social security, pension at iba pa.
  • Kahit anong suporta mula sa sponsor ay uunahin kesa sa welfare benefit.
  • Kapag ang isang aplikasyon ay isinabmit para sa benepisyo para sa asawa o magulang ng isang bata na nasa ika-third year ng junior high school o sa mas batang mag-aaral, isang case worker sa welfare office ang makikipag-usap mismo sa indibiduwal na nag-submit kung ito ba ay nararapat na maging sponsor. Para sa ibang sponsors, isang kumpirmasyon ang dapat ipakita sa pamamagitan ng mga dokumento.
  • Ang pondo na nakalaan para sa living expenses ay iba-base sa edad, kung ilan ang miyembro ng pamilya at iba pa.

Tandaan na ang benepisyo ay igagawad lamang sa mga taong nasa low income bracket. Pwedeng magtanong ukol sa welfare office ng inyong local government.

Makakatulong ang link mula sa Ministry of Labor, Health and Welfare para sa karagdagang kaalaman ukol sa mga monetary assistance na available sa mga tao o negosyong nangangailangan ng tulong sa panahon ng pandemya.
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/koyou_roudou/koyou/jigyounushi/page11_00001.html