Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

Eating Healthy

Sa panahon na ating nararanasan sa ngayon, marami ang nakikita nating nagkakasakit, (hindi man ng coronavirus kundi dahil na rin sa stress) at dahil diyan ay dapat nating panatilihing malusog ang ating pangangatawan sa pamamagitan ng araw-araw na page-ehersisyo at pagkain ng tama.

Pinaka-safe siguro ay kumain ng natural na pagkain para ma-boost ang ating immune system. Ibalik nating muli ang sistema ng ating katawan na kung saan ang pumapasok na pagkain at enerhiya ay galing sa natural na pagkain at pamamaraan.

Habang patuloy na nananalasa ang coronavirus sa iba’t ibang parte ng mundo, ituloy natin ang paalala ng ating pamahalaan na ugaliin ang proper at daily hygiene, social distancing, exercise at pagtulog ng tama sa oras. Ilan lang ito sa paraan upang mabawasan ang risk natin na mahawahan o ma-infect ng coronavirus. Ang pag-boost ng ating immune system sa pamamagitan ng pagkain ng tama ay isa rin sa mahalagang factor upang makaiwas sa infection.

Narito ang ilang pagkain na tinatawag nilang “superfoods” para mapalakas ang ating katawan laban sa anumang infection na naka-amba sa labas ng ating tahanan.


Red bell peppers

Ito ay madalas isinasahog sa ating lutuin, Nagtataglay ng vitamin C na doble sa taglay ng isang orange. Ang vitamin C ay nagko-contribute para magkaroon ng panangga ang ating katawan sa kung anumang risk ng respiratory infection at nagre-repair din ito ng tissues ng loob ng ating katawan.


Broccoli

Mayaman din ito sa vitamin C. Nagtataglay ito ng phytochemicals at antioxidants na mahusay na support ng ating immune system. May taglay din it ng vitamin E na tumutulong sa paglaban ng infection at bacteria.


Chickpeas

Nagtataglay ng protina na tumutulong sa pag-repair ng body tissues natin. May taglay din ito ng zinc na nakakatulong sa pag-control at pag-regulate ng ating immune system.


Strawberries

Laging kasama ang strawberries sa superberries na laging inire-rekomenda ng health experts dahil mataas ang vitamin C content nito.


Garlic

Pinaka-powerful antibiotic na pwedeng lumaban sa anumang bacteria. Maraming health benefits ang bawang, bukod sa nagpapababa ng blood pressure ay nakakatulong din ito upang mapababa ang risk sa pagkakaroon ng heart disease.

Marami pang superfoods ang pwede nating kainin upang mapanatiling malusog ang ating pangangatawan at magkaroon ng boost ang ating immune system. Ang ilan pa riyan ay ang mushrooms, spinach, yogurt, at sunflower seeds.

Laging tandaan, ang daily intake ng prutas at gulay ay makakatulong sa ating healthy diet. Gawing healthy ang ating paligid sa pagluluto ng masarap at malusog na pagkain para sa atin at sa ating pamilya sa panahon ng pandemya.

Stay healthy and safe.