Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mga Broadcasters Umalma!

Hindi lang isang beses na naibalita ang mga nangyayaring pamamaslang sa mga radio commentator at broadcaster sa Pilipinas. Matagal na rin nangyayari ito, yung iba ay iniimbestigahan ngunit wala nang balita kung ano ang nangyari kung nahuli ba ang salarin o sadyang pinabayaan na at nabaon sa limot.

Mga kaanak at pamilya ng mga napaslang na commentators at broadcaster at hanggang ngayon humihingi pa rin ng hustisya.

Kamakailan  ay napaslang ang broadcaster na si Percy Mabasa o Percy Lapid at lumikha ng ingay sa iba’t ibang sektor maging sa international media.

Ang hiling ng pamilya ni Lapid ( Mabasa) ay mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Percy.

Ipinag-utos na ni Pangulong Marcos Jr. na kailangan ay maresolba at madakip ang salarin para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Lapid.

Pahayag pa ni Marcos na hindi dapat sinisikil ang kalayaan sa pamamahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *