Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Inflation, Dapat nang pagtuunan ng pansin

Hindi kaila sa lahat na ang nararanasan hindi lang ng mga Pinoy kundi maging ang lahat ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang matinding inflation.  Maging ang mga lider ng iba’t ibang bansa ay nakikipag-karera sa oras upang maging stable ang ekonomiya ng kani-kanilang bansa.

Mula sa pagtaas ng gasolina sa pandaigdigang merkado, hanggang sa pagtaas ng bilihin, hindi ito nakakatulong upang maibalik sa normal ang ekonomiya ng bawat  bansa.

Ang Pangulong Bongbong Marcos ay walang humpay ang pakikipagsap sa iba’t ibang lider upang matulungan ang bansa na makaahong muli.

Hindi rin natin dapat sisihin ang gobyerno kung marami ang walang trabaho, ito ay bunga na rin ng pagsasara ng ilang maliliit na negosyo dahil sa taas ng inflation rate na sila talaga ang tinatamaan ng husto.

Ang malalaking kumpanya man ay dumaraing na rin dahil hindi nila kakayanin ang dagdag pasahod kung wala rin namang pumapasok sa kanilang kaban.

Marami sa mahihirap ang humhiling na pagtuunan ng pansin ang inflation upang unti-unting maibalik sa normal ang kalagayan ng ating ekonomiya. Kaya naman ang administrasyong Marcos ay hindi napapagod na gumawa ng iba’t ibang hakbang para mapigil ang inflation sa bansa.

Bukod sa inflation, dapat na ring pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang kaliwa’t kanang krimen, korapsyon at kagutuman na lalong lumalala at hindi nakakatulong ang ilang mga makakaliwa na sumasawsaw upang palalain ang sitwasyon ng bansa.