Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

GMA raises PH flag in global awards scene

Patuloy ang GMA Network sa pagwagayway ng ating bandila sa global stage sa pamamagitan n paghakot ng mga prestihiyosong parangal mula sa  iba’t ibang international award-giving bodies.

 Ang GMA Public Affairs’ “The Atom Araullo Specials” ay wagi bilang Best Asian Documentary in the 4th Asia Contents Awards (ACA) sa  Busan International Film Festival (BIFF) Theater in Busan, South Korea.

 Ang“The Atom Araullo Specials”’ “Munting Bisig (Young Arms),” ang tanging festival kasama ang ilan pang kalahok na produced ng Netflix, Asian Boss (YouTube), at TV Asahi Production (YouTube).

 Ito ang pangalawang  international award na napagwagihan ng “The Atom Araullo Specials” ngayong taon. Noong Abril, parehong episode ng naturang programa ang nagbigay sa Pilipinas ng Gold World Medal mula naman sa 2022 New York Festivals TV & Film Awards.  Ang dokumentaryong ito ay tumalakay sa mga kalagayan ng mga kabataan na nagtatrabaho sa panahon ng global pandemic para makatulong  sa kanilang pamilya para maka-survive kahit na sila ay nasa bingit ng panganib na ma-expose sa COVID-19 virus.

Bukod sa “The Atom Araullo Specials”, ang GMA Network ay nanguna sa  Philippines’ National Winners in the News and Current Affairs categories  sa  Asian Academy Creative Awards.

Kasama rin an nominees to win bilang ‘Best Newscast” ay ang 24 Oras Weekend na anchored nina Pia Arcangel at Ivan Mayrina.

Si Atom ay tatayong  Philippine representative para sa “Best News or Current Affairs Presenter/Anchor” category sa GTV  flagship newscast State of the Nation.

Kasama rin sa mga pinarangalan ang Meanwhile,  conservation program Born to be Wild bilang “Best Natural History/Wildlife Show” para sa kanilang “Primer Planet” episode. At ang highly successful season finale ng Lolong na napasama rin para makipag-compete sa international stage.

At ang huli ay ang award-winning infotainment show iBilib, na naiuwi ang  National Award for “Best Infotainment.”  Ang host ng iBilib ay si Chris Tiu.