Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Love and bittersweet revenge on GMA Afternoon Prime’s newest series, BIHAG

Kasalukuyang ipinapalabas ang pinakabagong action, mystery at suspense drama sa Afternoon Prime series, BIHAG.  Pinangungunahan ng GMA network’s prime stars na sina Max Collins na gaganap bilang si Jessie, isang simple at mapagmahal na asawa at ina; si Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda, isang matapat na police officer at kaklase ni Jessie sa high school; Jason Abalos bilang Brylle, asawa ni Jessie na isang pediatric surgeon; Neil Ryan Sese bilang Amado, short-tempered na tao na ipinagdadalamhati ang pagkamatay ng kanyang anak na si Reign; Sophie Albert bilang Reign, ang babae na magiging bahagi ng buhay nina  Jessie at Brylle; at ang child star na si Raphael Landicho bilang Ethan, ang anak nina Jessie at Brylle’s cheerful and cute son.

Imahe ng isang masayang pamilya hanggang sa dumating ang isang insidente na nagpabago ng kanilang buhay. Ang dating masayang samahan ay napalibutan ng pagluluksa (na hostage ang kanilang anak) at pagtataksil. Hanggang saan ang dapat suungin ni Jessie upang maibalik ang kanyang dating masayang buhay?

Kudos sa creative team ng naturang show upang makagawa na isa namang aabangan ng manonood sa panghapong teleserye ng GMA 7 sina creative director Aloy Adlawan; creative consultant Kit Villanueva-Langit; Concept Creator and Headwriter Suzette Doctolero; writers Zita Garganera, Jason John Lim and John Roque; and brainstormers Honey Hidalgo and Brylle Tabora.

Ang BIHAG  ay idinirehe ni Neal del Rosario.