Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kanding-ga

Kung kayo ay kumakain ng bopis at Bicol express, ito ang ulam para sa inyo.  Ito ay pinagsamang bopis at Bicol express na tinawag na Kandingga.  Ito ang paraan ng mga Bicolano kung paano gawin ang bopis na ang mga sangkap ay tulad ng bopis, laman loob ng baboy (puso, baga, atay at iba pang laman loob ng baboy na niluto sa suka at coconut milk).  Maraming sili na tulad ng ibang ulam ng mga Bicolano.  Ang kaibahan lamang nito ay walang annatto powder (na nagpapapula ng bopis).  Ang kulay nito ay brownish o off white.

Sangkap:
  • 2 pirasong puso ng baboy
  • 300g baga ng baboy
  • 500g pisngi ng baboy, kasama ang balat
  • 8 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit 
  • 1 malaking sibuyas na pula, hiwaing maliit
  • 4 pirasong  dahon ng laurel
  • 1 malaking bell pepper (capsicum), hiwaing maliit 
  • 1½ tasang sugar cane vinegar
  • ½ tasang coconut cream
  • 1 tasang coconut milk
  • 4 pirasong siling haba, tadtarin ng maliit
  • 2 tangkay ng lemongrass
  • patis
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:

1.  Sa kaserola, ilagay ang laman loob ng baboy (pisngi, puso at baga), lemongrass, 1 tasang suka, 1 tbsp asin at tamang dami ng tubig para matakpan ang baboy.  Lutuin sa loob ng 30-40 minuto hanggang lumambot ang laman pero hindi totally fully cooked.
2.  Hanguin ang laman, hayaang lumamig at hiwaing maliliit, itabi.
3.  Sa isang pan, initin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
4.  Ihalo ang tinadtad na laman at siling haba at dahong laurel. Haluin sa loob ng 10 minuto. 
5.  Idagdag ang bell pepper (capsicum), ½ tasa ng suka at coconut milk, Pakuluin at hayaang kumulo sa malakas na apoy hanggang lumapot ang sabaw.  Dagdagan ng suka kung gustong mas maasim.
6.  Ilagay ang coconut cream at lasahan ng patis at paminta.  Pakuluin pa sa karagdagang 2 minuto at saka ihain.

Para sa karagdagang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net