Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Libreng sakay sa LRT at MRT

Bilang paggunita sa ika-112 anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC), lahat ng government employees ay magkakaroon ng libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT). Kasabay din nito ay magkakaroon din ng isang special 3-day sale sa SM department stores para sa mga kawani ng gobyerno kung saan may discounts mula 5% hanggang 10%. Upang makuha ang mga libreng sakay, kailangan lamang ipakita sa mga ticketing booth clerks ang kasalukuyang identification cards ng mga government employees. (Philippine Star)