Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Santiago, binangga ang mga hindi sumipot

Bilang chair ng Senate Committee on Revision of Codes and Laws, nagsasagawa ng imbestigasyon si Sen. Miriam Defensor-Santiago ukol sa mga kaso at isyung hinaharap ni dating Undersecretary Rico Puno ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan hindi nakasipot ang ilang miyembro ng Senado na sina Senate President Juan Ponce Enrile, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Aquilino Pimentel. Bwelta ni Santiago na kasapi rin ng Commission on Appointments (CA), na pababagalin niya ang proseso ng kumpirmasyon nina Sec. Mar Roxas para sa DILG, Justice Secretary Leila de Lima at Environment Secretary Ramon Paje. Ayon kay Santiago sa isang panayam, hindi siya mapipigilan sa kanyang gagawin at ang tanging paraan lamang para pigilan siya ay ipatapon sa ibang bansa o di naman kaya’y ipabaril. (Philippine Daily Inquirer)