Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Lacson, umaasa sa pagboto sa RH Bill

Nananatiling positibo si Sen. Panfilo Lacson na bago mag-Christmas break ang Senado ay makakaboto na ito kung isusulong ba ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill o hindi. Pinuri rin nito si Sen. Pia Cayetano na kasapi ng Senate Committee on Health and Demography na naging mabait ito na sagutin ang mga tanong patungkol sa RH Bill kahit lantarang ito ay mga delaying tactics. Sa kabilang dako naman, ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, posible na dulot ng mga delaying tactics na ito ay muling hindi maisulong ang third reading at pagratipika sa RH Bill dahil sa takot sa hagupit ng Simbahang Katolika. Dagdag pa niya na sampung taon na ang inabot ng panukalang ito dahil sa delaying tactics ng mga ayaw dito. (Philippine Star)