Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Banana Meat

Ang Banana Meat ay isa pang Cebuano delicacy na gawa sa hinog na saging na saba/ cardaba banana na pinalamanan ng giniling na karne at ipinirito sa kawali. Popular ihain lalo na sa mga espesyal na okasyon.

Sangkap:

Banana

  • 8 hinog na saging na Saba, balatan
  • 1 tasang harina
  • 1 tasang tubig

Filling

  • 500 g giniling na baboy (15% fat)
  • 2 kutsarang soy sauce
  • 1 siling haba, alisin ang buto at tadtarin
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • asin
  • paminta

Iba pa

  • mantika

Paraan:

  1. Igisa ang bawang at sibuyas sa pan.
  2. Idagdag ang giniling na baboy, sili at soy sauce. Haluin sa loob ng 10 minuto hanggang maluto.
  3. Lasahan ng asin at paminta.
  4. Hanguin ang giniling mula sa pan at salain para maalis ang sobrang likido mula sa giniling.
  5. Lagyan ng slit o hiwa (pahaba) ang gitna ng bawat saba na parang bulsa o pocket.
  6. Lagyan ang bawat pocket ng giniling at itabi.
  7. Sa maliit na bowl ay pagsamahin ang harina at tubig. Haluing mabuti. Isang kutsara ng mixture na ito ang ilalagay sa ibabaw ng stuffed banana.
  8. Painitin ang kawali at lagyan ng mantika na pang-deep fry ang dami at ilagay ang saba isa isa at iluto sa loob ng 4 na minuto o hanggang magkulay golden brown.
  9. Hanguin mula sa kawali at ilagay sa platong may paper towel para maalis ang sobrang mantika. Hayaang lumamig ng kaunti at saka ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net