Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Sanib-pwersa laban sa mga epal

Aminado si Chairman Sixto Brillantes ng Commission on Elections (Comelec) na mahina ang ahensya upang sugpuin ang mga pulitikong maagang nangangampanya para sa darating na eleksyon. Dahil dito, nagsanib-pwersa ang Comelec at ang Anti-Epal Movement upang buksan ang mata ng publiko tungkol sa mga pulitikong binabandera ang kanilang pangalan sa mga kalye. Magkakaroon ng dayalogo ang dalawang panig upang pag-usapan ang mga long-term solutions sa problemang ito na gaganapin sa opisina ng Comelec sa Intramuros. Sa pagsulong ng anti-epal campaign na ito, ilang pultiko sa Kamaynilaan at ilang probinsya ay nagtatanggal na ng mga posters kung saan nakalagay ang kanilang mga pangalan at mukha. (Philippine Star)