Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

KAPAMILYA STARS, PINASmile ANG MGA PINOY SA BAGONG ABS-CBN SUMMER STATION ID

ABS CBN SUMMER STATION ID Kean-Juris-Richard

Sasalubungin ng ABS-CBN ang summer gamit ang naglalakihang mga ngiti mula mismo sa mga ordinaryong Pilipinong bibigyang pugay sa pinakabagong summer station ID ng Kapamilya Network.

Pinamagatang “PINASmile: Masayang Muli ang Kwento ng Summer Natin,” ibinida ng 2014 summer station ID ang bansa bilang natatanging destinasyon na tunay na maipagmamalaki ang kagandahan at makulay na kultura sa bawat rehiyon pati na rin ang mga kwento sa likod ng nakakahawang ngiti ng mga Pinoy.

Palagi pa ring nakangiti ang mga Pilipino sa kabila ng hirap ng buhay. Nakakahanap tayo ng kaligayahan maging sa maliliit na bagay. Marunong tayong magpasalamat at naniniwala tayo sa kabutihan ng mga puso ng kapwa natin. Kaya naman sa kabila ng kalamidad na kinaharap ng bansa ay nananaig ang pagiging positibo ng mga Pilipino,” sabi ni ABS-CBN Creative Communications Management head Robert Labayen.

Layunin ng station ID, na inawit at binigyang buhay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na ilabas at mahuli sa camera ang totoong kaligayahan mula sa simpleng mga mamamayan. Mismong Kapamilya stars at news personalities ang nagsilbing tagakuha ng litrato at nag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para masilayan ang hindi matatawarang mga ngiting ito.

Ang “PINASmile: Masayang Muli ang Kwento ng Summer Natin” theme song ay sinulat nina Robert Labayen, Lloyd Oliver Corpuz, Christer Salire, Revbrain Martin, Jill Cabradilla-Aspiras, Mark Raywin Tome, at Christine Daria Estabillo. Ang musika naman ay nilikha nina Bojam at Thyro ng FlipMusic kasama rin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *