Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

“MOON OF DESIRE,” MANG-AAKIT NG MGA PUSO

MOON OF DESIRE CAST

Nagsimula na ang kwentong aakit sa inyong mga puso sa pinakabagong serye na “Moon of Desire” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Sa unang pagkakataon ay magtatambal at magbibida sa kanilang sariling Kapamilya serye sina JC De Vera at Meg Imperial kasama rin sina Ellen Adarna, Dominic Roque at Miko Raval. Halos naging back to back teleserye naman ito para kay JC dahil dalawang beses siyang mapapanood sa isang araw ng kanyang mga tagahanga. Bukod sa Legal Wife na kung saan ay supporting siya, sa Moon of Desire naman ay siya ang bida.

Kasama rin sa cast ng serye sina Precious Lara Quigaman, Carmi Martin, Perla Bautista, Beauty Gonzales, Dawn Jimenez, at Franco Daza. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.

Ang orihinal na theme song na “Moon of Desire” ay nilikha ni Trina Bellamide at inawit ng “The Voice of the Philippines” finalist Morissette Amon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *