Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

ANNE, BINAWI ANG SINABI PARA SA DREAM ROLE

Wala na sa plano ng aktres na si Anne Curtis na muling gumanap sa fantaserye matapos ang “Dyosa,” ngunit binali ng national sweetheart ang desisyong ito nang ialok sa kanya ang dream role niyang “Dyesebel.”

Hindi na ako sigurado pagkatapos ng Dyosa. Parang napaisip ako kung kaya ko pa ba. Nakakapagod mag-fantaserye dahil sa palitan ng costume at ‘yong prosthetics,” paglalahad ni Anne. “Pero iconic ang Dyesebel e. Parte ‘yon ng literature natin, ‘di ba? Kaya kahit na sinabi kong ayoko nang mag-fantaserye, gusto kong gawin dahil Dyesebel ‘yun,” dagdag ng aktres.

Anne Curtis Dyesebel

Matapos ang 17 taon niya sa industriya ng showbiz, itinuturing ni Anne ang “Dyesebel” bilang bunga ng kanyan kasipagan dahil matagal niya nang pinangarap na gampanan ang naturang papel. Hindi nagkamali si Anne sa pagtanggap ng role na Dyesebel dahil sa pilot episode pa lang nito ay humataw na agad ito sa ratings.