Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Crispy Crablets

Sangkap:
  • 500 g crablets, linisin
  • ¾ tasang cornstarch
  • ¼ tasang flour
  • ½ kutsaritang baking soda
  • juice mula sa pinigang ½ lime
  • 2 kutsaritang asin
  • 2 kutsaritang paminta
  • tinadtad na green chilies
  • mantika

Paraan:

1.  Sa isang mangkok, pagsamahin ang cornstarch, flour, baking soda, asin at paminta. 
2.  Ilagay ang crablets at haluin hanggang mabalot nito ang crablets.  Lagyan ng lime juice at haluin.
3.  Ihanda ang deep fryer o malaking kawali na may mantika.  Painitin ang mantika sa 180℃ at i-deep fry ang crablets sa loob ng 4-5 minuto (kung fresh crablets), 7-8 minuto (kung frozen crablets).
4.  Hanguin mula sa fryer at i-drain ang mantika.  Ilagay sa bowl at lagyan ng tinadtad na green chillies.  Haluin at ihain.
Note: Kung gustong mas malutong ang crablets, hayaang lumamig ng kaunti ang crablets at iprito muli sa 180℃ na init ng mantika sa loob ng 1-2 minuto o sa maging golden brown.

Para sa karagdagang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net