Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Japan’s Biggest Matsuri

  1. Hakata Dontaku Festival, Fukuoka
    Date: May3-4, 2021
    Ang Hakata Dontaku ay ginaganap tuwing May 3 at 4 taun-taon sa panahon ng busy holiday ng Golden Week. At habang ginaganap ang festival na ito ay makikitang libu-libong spectators na nakasuot ng makukulay at tradisyunal na kasuotan at nagsasayaw sa kalsada ng Fukuoka. Sayawan, kasiyahan, prusisyon at mahigit kumulang 2 milyong katao ang nagchi-cheer sa participants ng event. Pero dahil sa covid virus ay siguradong makakaroon ng pagbabago ng program kaya mas mabuting sumangguni sa organizers ng naturang event para malaman ang updates.
    Ang Hakata Dontaku ay hind lamang basta parada kundi may mga stage areas din sila kung saan masasaksihan ang iba’t ibang performances na may kasamang food stalls at maging game stalls.

    2. Aoi Matsuri, Kyoto
    Date: May 15, 2021
    Ang Aoi Matsuri, ay isa sa tatlong (kasama ang Gion Matsuri at Jidai Matsuri) popular na festival na ginaganap sa Kyoto. 500 kataong nakasuot ng aristocratic style mula sa Heian Period (794-1185) ang main attraction ng parada na naglalakad mula sa Imperial Palace papunta sa Kamo Shrines. Ang Aoi ay Japanese word para sa Hollyhock at ang festival ay ipinangalan sa dahon ng Hollyhock na ginagamit sa kasuotan ng mga kasama sa parada.
    Ang parada ay nagsisimula ng 10:30 AM sa south gate (timog) ng Imperial Palace at tatawid sa ilog sa harapan ng Shimogamo Shrine ng 11:15AM. May bayad ang upuan kung gustong saksihan ang event na ito at ang regular tickets ay nagkakahalaga ng 2,700 yen. Para sa mga upuan na may kasamang English audio guide ay may karagdagang 4,300 yen sa may Imperial Palace.
    Pero kung gustong makita ang parada ng libre, dumating sa venue ng mas maaga. Para sa karagdagang infos at paid seats ay sumangguni sa Kyoto City Tourism Association (Japanese only).

    3. Asakusa Sanja Matsuri, Tokyo
    Date: May 14-16, 2021 / (May 21 ~May 23 2021)

    Ang pagdiriwang ng Sanja Matsuri ay 3 araw taun-taon sa Asakusa na may mahigit sa 1.8 milyong spectators ang dumadalo. Ito ay ginagawa sa paligid ng tourist attractions na Asakusa Shrine at Senso-ji Temple. Masaya ang buong bayan at mararamdaman ang festive mood. Masasaksihan ang mahigit kumulang 100 portable shrine sa gitna ng kalsada habang ito ay ipinaparada sa maraming tao. Dinarayo ng mga turista at maging ang locals.
    Nangyayari ang parada Sabado ng 12 noon at naguumpisa sa Asakusa Shrine. Noong nakaraang taon ay kinansela ang parada dahil sa lockdown at sa taong ito, maraming events ang kanselado pero mas marapat na magtanong o sumangguni sa official site ng organizers para may update sa mangyayaring event.

    Bukod sa 3 nangungunang festivals ay marami pang festivals ang ginaganap sa buwan ng Mayo;

    Paalala: Kahit na nagluwag na ng restrictions ang pamahalaan, mayroon pa ring restriction updates (pati petsa ng pagdaraos) ang bawat organizers ng festival kaya bago tumungo sa events na ito ay mangyaring mag-check muna bago pumunta sa venue.

MAY 2021 FESTIVALS

Bukod sa naka listang festival at events ay marami pang festivals ang ipinagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng Japan.

Kakeuma Shinji / Fukakusa Matsuri – Fujimori Shrine, Fukakusatoriizaki-cho, Fushimi-ku, Kyoto
Date: May 1-5, 2021
Ang 5 araw na pagdiriwang at prusisyon ng festival ng shrine, mga tunog ng tambol at maraming mga highlights at sa huling araw, May 5, ay ang Kakeuma Shinji event, isang demonstrasyon ng techniques mula sa dating panahon na may riders na nagpe-perform ng mahirap na daredevil stunts.

Nozaka Mairi – Daito City, Osaka Prefecture
Date: May 1-10, 2021
Libu-libong spectators ang dumarayo sa Nozaka Kannon Temple upang masaksihan at i-enjoy ang puppet plays, storytelling at iba’t ibang classical arts at palabas.

Fujiwara Festival – Hiraizumi, Iwate Prefecture
Date: May 1-5, 2021
Ang main event ng festival na ito ay ang period dress parade na may re-enactment ng pagdating ni Minamoto Yoshitsune at entourage sa Hiraizumi sa hilagang bahagi ng Japan para maghanap ng proteksiyon mula kay Fujiwara Hidehira.

Tarui Hikiyama Matsuri – Tarui, Gifu Prefecture
Date: May 2-4, 2021
Tampok sa festival na ito ay ang naggagandahang floats na kilala sa tawag na Hikiyama. Makikita ang mga bata na may make up at naka-costume at nagpe-perform ng kabuki sa ibabaw ng makukulay na festival floats.

Shimonoseki Straits Festival – Shimonoseki, Yamaguchi Prefecture
Date: May 3, 2021
Makukulay na events ang ginagawa sa port town ng Shimonoseki at kasama rito ang iba’t ibang recreations noong samura era at ang pamosong labanan sa pagitan ng Miyamoto Musashi at Sasaki Kojiro at makulay ng parada ng courtesans.

Odawara Hojo Godai Matsuri – Odawara, Kanagawa Prefecture
Date: May 3, 2021
Ang event na ito ay napapalooban ng Shinto ceremony, parada ng mga mandirigma na nakasuot ng period dress at traditional music at mikoshi parade. Dinarayo ng mga lokal at maging turista at sadyang nae-enjoy nila ang naturang festival.

Kamezaki Shiohi Matsuri – Handa, Aichi Prefecture
Date: May 3-4, 2021
Ang pagsasama-sama ng 31 antigong dashi (drawn festival floats). Hinahatak ang gawa sa kahoy na floats at ipinaparada sa buong bayan papunta sa beach kung saan ilalayag nila sa tubig.

Giant Kite Festival – Showa, Saitama Prefecture
Date: May 3-5, 2021
Malahigante at makukulay na saranggola ang pinalilipad sa may pampang ng dry riverbed sa Edo River. Ang atraksiyon ng festival na ito na kinagigiliwan ng mga lokal at tursita.

Hamamatsu Festival – Hamamatsu, Shizuoka Prefecture
Date: May 3-5, 2021
Ang highlight ng festival na ito ay ang pagpapalipad ng malalaki, makukulay at maraming palamuting saranggola. Bukod sa kite flying ay may mga stalls ng pagkain, parada, taiko drumming at iba pa.

Hiroshima Flower Festival – Hiroshima
Date: May 3-5, 2021
Festival of peace ang pagdiriwang ng event dito na napapalooban ng marami at makukulay na bulaklak, iba’t ibang entertainment na nagbibigay saya sa mga lokal at maging mga turista.

Lagi naming paalala, kahit nagluwag na ng restriction ang pamahalaan, mas mabuting alamin din ang updated news sa iba’t ibang organizers ng mga event na ito. Stay Safe!