Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

10,000 and counting ang Seven Bank at Western Union

 

10,000 registered remitters and still counting! Seven Bank-Western Union ang nangunguna sa Japan.

By Hirio Nakashita/PD

Lumagpas na sa 10,000 ang bilang ng mga nakarehistrong gumagamit ng Seven Bank-Western Union remittance service nitong Marso, isang taon matapos itong magsimula sa Japan.

Buong pwersang ginawa ng Seven Bank ang pagpapahayag ng kanilang milestone sa isang payak na seremonyang ginanap sa Tokyo Kaikan sa tapat ng Imperial Palace sa Tokyo.

Ayon sa 7 Bank, nangunguna ang mga Pilipino sa mga pinakamalaking bilang ng gumagamit ng serbisyo sa Japan na mayroong 18 porsiyento ng lahat ng mga nakarehistro. Kaya naman malaking pasasalamat ang ibinibigay ng kumpanya sa mga Pilipinong nakatira sa Japan. Kasama sa mga top remitters ay ang mga papunta sa Thailand, China at Amerika.

Ipinahayag din sa nasabing seremonya na lalo pa nilang pagagandahin ang serbisyo sa mga dayuhang naninirahan dito sa Japan, kabilang ang mahigit 200,000 Pilipino na nakatira at nagtatrabaho dito.

Ang pasasalamat sa mga Pinoy ay pinangunahan ni President Kensuke Futagoishi at ang endorser ng serbisyo para sa mga Pinoy na si Mari Nihei, na nagpakita sa kanyang Pinoy-made gown na gawa sa saging.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Presidente na ikinatutuwa niya ang pagpasa ng mga Pilipino at Thai na caregiver upang makapagtrabaho sa Japan. Ayon sa opisyal, kailangan ng Japan ang mas marami pang manggagawa upang tulungan itong makaahon.

Ipinagsigawan naman ni Mari Nihei ang kanyang pasasalamat sa Seven Ginko dahil sa pagkilala nito sa mga Pilipino at pagpupunyaging makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga dayuhan sa Japan.

Sinabi naman ni Jo Watanabe, pinuno ng promosyon at merkado ng Seven Ginko na tatangkain ngayon ng remittance service na lalo pang palawigin ang bilang na kanilang remitters sa target na 35,000 hanggang sa susunod na taon, at nais nilang mapalawak ang serbisyo sa mga Pinoy lalo na mga lugar ng Tokai Region at maging ng Kansai.

Noong March 20, 2011, binuksan ng SEVEN BANK at Western Union ang International Money Transfer Service para sa mga dayuhang naninirahan dito sa Japan. Sa mahigit 10,000 nakarehistrong remitters, nakapag-padala ng 30,000 na remittances sa loob isang taon.

Ang serbisyong ito ay maaring gamitin sa pamamagitan ng Automated Teller Machines (ATM) ng SEVEN GINKO sa lahat ng 7-Eleven convenience store saan man sa bansa, at maaring matanggap sa mahigit 485 Agent locations ng Western Union sa buong mundo.

Sa sistema ng International Money Transfer, kapag rehistrado na ang isang remitter, maari siyang magpadala ng pera saan man sa mundo gamit ang mga ATM sa 7 Eleven stores, 24 oras araw-araw at 365 na araw sa isang taon. Maliban sa madali ito, mura ang padala sa service na nagsisimula lamang sa ¥990 sa ipapadalang hanggang ¥10,000.


Comments are closed.