Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Kathryn Bernardo: Teen Princess of Teleserye

Kathryn Bernardo

By Ms. Jackie/PD

Pagkatapos ng matagumpay na remake ng Mara Clara ay bumulusok din sa tugatog ng tagumpay ang pangalan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Kasalukuyang napapanood si Julia sa matagumpay na “Walang Hanggan”at si Kathryn naman ay may bagong teleserye, ang ” Princess and I.” Masaya kapwa sa tinatahak ng kanilang career at parehong busy subalit hindi nito mapipigilan ang pagkakaroon ng panahon na ibinibigay nila sa isa’t isa. Tulad na lang nang si Kathryn ay bumalik galing sa Bhutan kung saan nila isinu-shoot ang teleseryeng Princess and I, silang dalawa ni Enrique ay (magmula sa airport) dumiretso at dumalo sa house blessing ni Julia.

Hindi mo matatawaran ang pundasyon ng pagkakaibigan na nabuo sa pagitan nina Kathryn at Julia. Kapwa sila masaya para sa isa’t isa at hangad ang tagumapay ng bawat isa.

Bago narating ni Kathryn ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon, ano nga ba ang pinagsimulan niya? Simula pa lang ng pagkabata ay nakikita na si Kathryn sa show na Goin’ Bulilit ( silang dalawa ni Julia Montes) at dun nakita ang galing nila sa pag-arte at habang nagdadalaga ay lalo siyang nahasa. Ang programang Goin’ Bulilit ay nagsisilbing training ground ng mga batang artista ng ABS CBN.

PD:Ano ang naramdaman mo noon ng ikaw ang napiling gumanap bilang Mara del Valle?

Syempre po masaya ako pero ninenerbiyos din po, kasi ang pagkakaalam ko po ay sikat na sikat ang teleserye na yun nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes at alam kong mahihirapan ako matapatan man lang ang acting na ginawa ni MS. Judy Ann Santos pero sabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para naman hindi ako mapahiya sa mga big boss ng ABS CBN na nagbigay tiwala sa kakayahan ko.

Naging matagumpay ang remake ng Mara Clara at nakilala ka at si Julia Montes, ano ang pakiramdam mo ngayon na sikat ka nang artista?

Masayang-masaya po ako at nagpapasalamat ako Star Magic sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin. Ngayon po ay sunud-sunod na nga ang projects ko sa kanila at yung pelikula namin ni Julia na Way Back Home ay naging hit din plus yung afternoon teen dram show na Growing Up.

PD: Okey, pag-usapan natin ang bago mong teleserye, ano ang masasabi mo dito?

Ang bago ko pong teleserye ay ang My Princess and I kung saan makakasama ko ang hinahangaan kong artista na sina Ms. Gretchen Baretto at Albert Martinez at kasama ko din sina Enrique Gil, Daniel Padilla at Khalil Ramos. Ang shooting po namin ay hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din. Ang role ko po dito ay isang prinsesa.

Ang Princess and I ay istorya ng isang kaharian na pinamumunuan ng isang makapangyarihan pero may mabuting pusong hari at reyna at ang kanilang anak na babae. Subalit dahil sa mga hindi inaasahang problema, ang prinsesa ay hindi sinasadyang napunta sa mundo ng tao at lumaking bilang isang pangkaraniwang bata na hindi nalalaman ang sariling pagkatao.

Upang maging mas makatotohanan ay lumipad ang buong cast and crew ng nasabing teleserye sa Bhutan, sa isang kaharian sa dulong silangan ng Himalayas. Nasabi ng mga kabataang cast na exotic ang lugar at naiiba at sobrang lamig dahil puro bundok ang kanilang nakikita.

PD:Kumusta naman ang iyong mga ka-loveteam sa Princess and I?

Okey naman po kaming lahat. Si Enrique Gil na nakasama ko na sa movie na Way Back Home, si Daniel Padilla na nakasama ko sa Growing Up at ang baguhang si Khalil Ramos, lahat po sila ay okey po. Nung nagpunta po kami sa Bhutan ay parang naging mas close po kami sa isa’t isa. Nag-bonding talaga kami. Sa taping halos everyday kaming magkakasama maghapon so parang makikilala mo talaga ang bawat isa, pati na ang mga staff at director. Mas nakilala ko talaga si Quen (Enrique’s nickname) sa taping namin ngayon.

Kathryn Bernardo

PD: Bakit ka tinatawag ni Enrique na “Potato and Cheese” sa kanyang twitter?

Ahhh..yun po ba ( natatawa). Kasi po hindi ako mahilig sa vegetables at potato at cheese lang ang lagi kong kinakain kaya po, tinawag na niya akong potato and cheese.

Inamin ni Kathryn na sobrang nag-enjoy siya sa pamamalagi nila ng kahit sandaling panahon sa kaharian ng Bhutan na matatagpuan malapit sa mga bansang Nepal, China at India. SInabi pa ni Kathryn na ito ang isa sa kanyang unforgetable experience na mag-shoot sa ibang bansa, at ito rin ang inaasahang isa sa pinakamalaking teleserye ng Kapamilya network sa taong ito. Inamin ni Kathryn na naruon ang pressure at sana daw huwag mawala ang trust sa kanya. Pinaghanadaan ng buong cast at crew ang malaking teleseryeng ito at bago pa man sila tumulak sa nasabing bansa ay nagkaroon sila ng workshops at pagkatapos daw ay nag-script reading din sila para nga naman pagpunta sa set ay handa na ang lahat.

” Mabilis nagawa ang bawat scene. Kasi limitado lang ang time namin, half day lang kami kasi puro day effect, yun po ang mahirap. Sa Bhutan wala masyadong Pinoy po. Pero marami silang tourist na mga medyo matatanda na kasi ang place na pinupuntahan nila para mag-relax,” paglalahad ni Kathryn”.

PD: Challenged ka ba sa teleserye na ito?

Opo, Challenged ako sa teleserye na ito pagkatapos ng Mara Clara at Growing Up.

“Super nahirapan po ako sa character ko , hindi pa po ako sanay na medyo comedy, na-excite rin ako sa result kasi every scene binabantayan kami ni direk . Sana magustuhan nila kasi super pinaghirapan namin ito,” dagdag pa niya. Una na rito, ang Princess and I ay ibang-ibang talaga sa mga natapos kong proyekto at ang kultura sa Bhutan ay iba. First kami na nag-taping na ibang environment na makikita ng audience tapos yung ibang language, tapos yung mga costumes, at ang character ko po as Mikai na very, very different from Mara. Iba talaga ito kasi yung story niya very light, gusto rin nila na magkaroon ng light sa primetime na hindi puro heavy story. So masasabi ko na super opposite ito from Mara and then ang story niya and environment, ibang-iba,” paglalahad niya.”

PD: Ano naman ang iyong masasabi para sa iyong kaibigang si Julia Montes na humahataw rin sa ratings ang kanyang teleserye na Walang Hanggan?

“Happy po, kasi kung titignan ang “Walang Hanggan ang first solo ni Julia” at ako po ito Princess and I. Maraming kaba ang nararamdaman ko pero mas more yung nae-excite ako kasi very light lang ng story at ibang-iba sa mga teleserye ngayon na super bigat. Gusto namin mag-offer ng different characters, different stories sa Primetime,” kuwento ni Kathryn about her new project.

Madalas nga ikumpara si Kathryn at Julia sa isa’t isa kaya naman nang nagsalita si Kathryn ay sinabi niyang magkaiba naman daw ang roles na ibinibigay sa kanila ni Julia kaya dapat ay hindi sila pinagkukumpara ng mga tao. “Super different talaga kasi yung role niya mature na po sa Walang Hanggan kung mapapanood ninyo. Tapos ako pinag-stay nila ako sa teeny bopper pa. Ako yung nagre-represent sa mga 14-17 year olds. So, sa mga roles iba talaga kasi ako sa mga bagets talaga, yung mga teens. Kay Julia more on sa fan base niya yung mga older na rin.”

Dahil sa biglang shifting din ni Julia sa kanyang mga characters na ngayon nga ay nasa mature side, tinanong namin si Kathryn kung eventually ba ay gusto niya na rin sumubok ng mga mature roles at grumaduate sa mga teeny bopper characters. “Sa akin ngayon ‘di ako nagmamadali, at ‘di rin ako ready pa sa ganun. Darating din tayo sa roles na ganun after three years siguro pero sa ngayon ine-enjoy ko po muna” pag-amin ni Kathryn. Dagdag pa ng young star nagpapasalamat siya sa ganitong roles tulad ng sa Princess and I. “Hindi ako nagmamadali kasi ako yung nabigyan ng moment na ito sa mga ka-age ko na super dami namin, so gina-grab ko talaga at happy ako ngayon.”

Comments are closed.