Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Camaron Rebosado

Kung ang bansang Hapon ay may tempura, ang bansang Pilipinas din ay mayroon at ito ay tinatawag nilang “Camaron Rebosado“. Madaling lutuin na gawa sa deep fried battered shrimp na inihahain kasama ang sweet chilli o sweet and sour sauce. Kahawig man ng tempura, ito ay may kaunting pagkakaiba dahil sa batter na ginagamit at pati ang sawsawan.

Sangkap:
  • 500 g malaking hipon, balatan
  • katas ng lemon
  • 1 itlog, batihin ng katamtaman
  • 3/4 tasang malamig na tubig
  • 2 tasang harina
  • 1 kutsaritang baking powder
  • pamintang pino
  • 1kutsarang patis
  • asin
  • mantika
Paraan:
  1. I-marinada ang hipon sa katas ng lemon, asin at paminta
  2. Sa mangkok, paghaluin ang baking powder, 1 tasang harina, patis, tubig at itlog
  3. Ihanda ang kawali, lagyan ng mantika at painitin ito
  4. Ilagay ang natitirang harina sa plato, ilubog ang hipon sa harina tapos ilubog sa batter at pagkatapos ay
    i-deep fry ang mga ito hanggang sa magkulay golden brown. Ilagay ang hipon sa plato na may paper towel upang sipsipin nito ang mantika pagkahango
  5. Ilipat sa malinis na serving plate na may kasamang sweet chili sauce sa isang maliit na mangkok.

Ang sweet chili sauce ang magsisilbing sawsawan ng camaron rebosado

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net