Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Hipon sa Aligue

Ang Hipon sa Aligue ay stir fry prawns na niluluto sa taba ng alimango, coconut cream at kamatis. Isa sa mga lutuin na pwedeng kainin isang beses o kung may tamang okasyon lamang. Mayaman sa kolesterol pero pag natikman ay sabi nga nila “heaven”. Lahat naman ng pagkain na kapag sobra ay masama. At isa ang lutuing ito sa mga ulam na pag kinain ay dapat hinay hinay lang.

Sangkap:
  • 1 kg tiger prawns o anumang malaking hipon o sugpo, huwag alisin ang shell, linisin mabuti at i-drain.
  • 1/3 tasang crab fat paste o aligue
  • 1 tasang coconut cream
  • 4 pirasong malaking kamatis, hiwaing maliit na pakuwadrado.
  • juice mula sa 1 lemon
  • 4 pirasong red eye chilies, hiwaing maliit
  • ½ maliit na piraso ng luya, hiwaing maliit
  • 1 puting sibuyas, tadtarin
  • 6 pirsaong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • paminta
  • patis
  • mantika
  • coriander, pang-dekorasyon
Paraan:
  1. Painitin ang kawali at lagyan ng mantika. Kapag naguumpisa nang umusok ang kawali, ilagay ang sugpo. Lutuin hanggang maluto at medyo sunog (mga 30 segundo bawat side ng sugpo) depende sa kung gaano kainit ang kawali. Hanguin ang sugpo at itabi.
  2. Gamit ang kawaling pinaglutuan ng sugpo, sa katamtamang init ng apoy, ilagay ang bawang at sibuyas at igisa.
  3. Idagdag ang kamatis at sili at iluto hanggang ang kamatis ay lumambot.
  4. Ilakas muli ang apoy at ilagay ang coconut cream at aligue, pakuluin.
  5. Ibalik ang sugpo, lasahan ng patis at paminta at iluto sa karagdagang 1 minuto.
  6. Patayin ang apoy at ihain habang mainit. Lagyan ng coriander at lemon juice sa ibabaw.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net