Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Beef Steak a La Crema

Ang mga mahilig kumain ng Bistek ay makakatikim ng kakaibang luto ng beef. Kung sa Bistek ay punumpuno ng sibuyas, ang recipe na ito ay mas makrema at may halong lemon na siguradong magugustuhan. Bagong lutuin na maaaring idagdag sa handaan ngayong Kapaskuhan.

Sangkap:
  • 1 kg chuck or rump steak, hiwain ng manipis
  • 10 piraso ng white button mushrooms, hiwain
  • 250 ml fresh cream
  • ½ tasang beef stock
  • 1 kutsarang harina
  • 1 lemon
  • 2 malaking sibuyas, hiwaing pa-ring o pabilog
  • paminta
  • 2 kutsarang butter
  • asin
  • mantika
Paraan:
  1. Palambutin ang beef sa paggamit ng meat tenderizer, lagyan ng asin at paminta at itabi.
  2. I- drain ang beef sa colander at itabi. Bago i-prito, siguruhing ito ay nasa room temperatute at tuyo na.
  3. I-prito ang beef sa mataas na apoy sa loob ng 2 minuto sa bawat side ng beef, huwag i-overcook para hindi tumigas.
  4. Hanguin ang beef mula sa pan at itabi. Gamit ang parehong pan, igisa ng sandali (huwag i-overcook) ang sibuyas at hanguin agad.
  5. Iluto ang mushrooms at dagdagan ng mantika kung kinakailangan. Kapag naluto na ay hanguin at itabi.
  6. Lagyan ng butter ang pan at ilagay ang harina. Hinaan ang apoy at unti-unting ilagay ang beef stock.
  7. Ilagay ang cream at hayaan kumulo sa mahinang apoy.
  8. Ibalik ang beef sa pan at ilagay din ang mushrooms at sibuyas. Ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 2 minuto, lagyan ng asin at paminta kung kinakailangan para maabot ang tamang lasa at saka patayin ang apoy. Lagyan ng lemon juice sa ibabaw at saka ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net