Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kulambo

Ang Kulambo ay isang uri ng kakanin na popular sa Pangasinan. Ito ay kahalintulad ng tikoy na gawa sa asukal, coconut milk at malagkit (glutinous rice flour). Ang pangunahing sangkap man ay magkahalintulad, may pagkakaiba sa kung paano ito lutuin dahil hindi ito ini-steam kundi hahaluin mo ito hanggang sa lumagkit at maluto. (Parang ube na niluluto sa kalan at hinahalo hanggang lumagkit). Tamang tama sa noche buena na isa sa mga gustong ihain lalo ng matatanda dahil ika nga nila, ang mga pagkaing malagkit ay nakakapagpatibay ng samahan ng pamilya.

Sangkap:
  • 1¾ tasang Glutinous Rice Flour
  • 1½ tasang coconut milk
  • ½ tasang coconut cream
  • 1 tasang white sugar
  • ½ kutsarita anise seed or fennel seeds
  • 3 kutsarang latik
  • 2 kutsarang coconut oil
  • banana leaves (dahon ng saging)
Paraan:
  1. Sa isang malaking bowl, pagsamahin ang lahat ng sangkap maliban sa latik, coconut oil at banana leaves. Haluin mabuti.
  2. Ilagay ang mixture sa non-stick pan, ilagay sa ibabaw ng stove sa katamtamang init ng apoy at haluing mabuti. Tuluy-tuloy ang paghalo at huwag hayaang dumikit para maiwasang masunog.
  3. Kapag ang mixture ay malagkit na, ilagay ang coconut oil, ituloy ang paghalo sa loob ng 15 minuto.
  4. Ihanda ang 10-inch diameter flat bottomed bowl o bilao, ilagay ang dahon ng saging at saka ilagay ang nalutong malagkit. Ayusin ang paglalagay sa bilao o flat dish at i-flatten para maayos tignan at saka ilagay ang latik sa ibabaw nito. Hayaang lumamig bago ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net