Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Fish Soup Bee Hoon

Sangkap:

Fish Stock

  • 1 kg snapper o grouper fish head/bones
  • 1 litrong tubig
  • 1 tasang evaporated milk
  • 4 pirasong bawang, tadtarin
  • 6 maninipis na hiwa ng luya
  • 1/3 tasang Chinese cooking wine
  • 1 kutsarang sesame oil
  • fish sauce
  • puting paminta
  • mantika

Noodles

  • 3 pirasong snapper fillets, hiwaing pakwadrado
  • 1 malaking kamatis, hiwain nang 8 pirasong pahaba
  • 400 g Bee Hoon noodles (rice vermicelli)
  • choy sum
  • ½ tasang harina
  • ½ tasang cornstarch
  • spring onions, tadtarin pang-dekorasyon
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:

Fish Stock

  1. Sa isang malaking kaserola, maglagay ng konting mantika, painitin sa katamtamang init ng apoy at ilagay ang bawang at luya, igisa ang bawang hanggang mag-umpisang magkulay brown.
  2. Ilagay ang ulo ng isda at iprito.
  3. Lagyan ng tubig, Chinese cooking wine at patis. Hayaang kumulo. Pakuluin hanggang ang ulo ng isda ay lumambot. Maaari itong tumagal ng 30 minuto.
  4. Gamit ang salaan, salain ang pinakuluang isda. Itabi. Hayaang kumulo ang sabaw sa pinakamababang apoy habang inaayos ang iba pang sangkap.
  5. Kapag handa na ang ibang sangkap, ilagay ang gatas at sesame oil, pakuluin sa loob ng 2 minuto at ilagay ang noodles.

Noodles

  1. Sa isang mangkok, pagsamahin ang harina at cornstarch.
  2. Lagyan ng asin at paminta ang laman ng isda, ilagay sa mangkok ng harina at balutin ng harina. Ipagpag para maalis ang sobrang harina.
  3. Ihanda ang kawali. Lagyan ng maraming mantika pang-deep frying. Kapag ang init ng mantika ay umabot na sa 180C ay ilagay ang isda at iluto sa loob ng 6 na minuto o hanggang maluto.
  4. Habang niluluto ang isda, ilagay sa kumukulong tubig ang choy sum at iluto ang noodles na ayon sa instructions sa pakete nito. Itabi.
  5. Ilagay ang noodles sa mangkok, kasama ang nalutong isda at pinakuluang bok choy at kamatis.
  6. Ibuhos ang soup sa mangkok at lagyan ng tinadtad na sping onion sa ibabaw at ihain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *