Guisadong Upo at Sardinas
Sangkap:
- 1 malaking lata ng sardines in tomato sauce
- 4 cloves bawang, pitpitin at hiwaing maliit
- 1 katamtamang laki ng sibuyas, tadtarin
- 1 malaking upo (about 15 inches in length), hiwain ng 1 cm ang kapal at 5 cm ang laki
- 1 tasang chicken stock
- mantika
- asin
- asukal
- paminta
Paraan:
- Igisa ang bawang at sibuyas.
- Ilagay ang upo at haluin sa loob ng 4 na minuto.
- Idagdag ang sardinas at lutuin sa loob ng 1 minuto.
- Ilagay ang chicken stock, asin at asukal at pakuluin sa loob ng 4 minuto.
- Lagyan ng paminta at ihain na may kasamang mainit na kanin.
Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net