Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bopis

Sangkap:
  • 2 pcs puso ng baboy
  • 500g baga ng baboy
  • 300g taba na may kasamang balat
  • 8 cloves bawang, pitpitin at hiwain ng maliit
  • 1 malaking sibuyas na pula, tadtarin
  • 4 pcs bay leaves
  • 1 malaking siling pula ( bell pepper), hiwaing maliit
  • 2-3 cups suka
  • 1 cup sabaw ng baboy ( pork stock)
  • 1 tbsp cayenne pepper
  • 1 tbsp annatto powder, tunawin sa 3 tbsp stock
  • 2 stalks lemongrass
  • 1 knot pandan leaves
  • patis
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Sa kaserola, ilagay ang taba ng baboy, idagdag ang puso at baga, lemongrass, pandan leaves, 1 tasang suka, 1 tbsp asin at tamang dami ng tubig para matakpan ang baboy. Pakuluin at iluto sa loob ng 20 minuto.
  2. Hanguin ang baboy, hayaang lumamig at saka hiwain ng maliliit ang baboy at itabi.
  3. Sa isang malaking kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Ilagay ang tinadtad na baboy, cayenne pepper at bay leaves, haluin sa loob ng 3 minuto.
  5. Ilagay ang bell pepper, 1 tasang suka at ang stock. Pakuluin at hayaang kumulo hanggang ang sabaw ay lumapot. Maaaring dagdagan ng suka kung gustong mas maasim.
  6. Ilagay ang annatto powder mixture at lasahan ng patis at maraming paminta. Hayaang kumulo sa loob ng 2 minuto at saka ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net