Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Graham de Leche

Pinaghalong leche flan at fruit graham float pero imbes na prutas ay leche flan ang ginamit.
Sangkap:

Leche Flan

  • 1 malaking lata ng evaporated milk
  • 400g lata ng condensed milk
  • 12 egg yolks (pula ng itlog)
  • 1 kutsaritang vanilla extract
  • 1 tasang asukal
  • ¾ tasang tubigGraham
  • 24 piraso ng graham crackers
  • Whipped Cream
  • 500 ml fresh cream, pinalamig
  • 400g latang condensed milk, pinalamig
Paraan:

1. Sa isang non-stick pan, pagsamahin ang asukal at tubig. Pakuluin hanggang mag-caramelized ito.
2. Hatiin at ibuhos ang caramelized sugar sa dalawang bread pans. Hayaang mamuo ang caramelized sugar at lumamig.
3. Sa mixing bowl, ilagay ang evaporated milk, condensed milk, egg yolks at vanilla. Haluin mabuti.
4. Hatiin ang mixture at ibuhos sa dalawang bread pan.
5. Takpan ang bread pan ng aluminum foil at i-steam sa loob ng 30-35 minutes.
6. Pagkatapos na maluto, hanguin at hayaang lumamig saka ilagay sa ref.
7. Ihanda ang whipped cream, ilagay ang fresh cream sa pinalamig na mixing bowl at i-whip hanggang mamuo.
8. Ilagay ang condensed milk at itabi.
9. Alisin ang leche flan mula sa fridge, ilagay ang layer ng whipped cream sa ibabaw at ilagay ang layer ng graham crackers. Ang isang layer ay approximately 4 na graham crackers. Ulitin lamang ang proseso at sa huli ay ilagay ang cream layer.
10. Ilagay sa fridge bago ito ihain. Hayaan lumambot ang graham crackers. Para sa best results i-chill sa ref. sa loob ng 1 araw.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net