Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Binagoongan Baboy sa Gata

Ito ay mula sa binagoongang baboy pero imbes na pakuluin sa tubig at suka lamang ay dinagdagan ng coconut milk para magkaroon ng twist.
Sangkap:
  • 1 kg pork belly, cubed
  • 2 kutsarang suka
  • 400 ml lata ng coconut milk
  • 1 tasang tubig
  • 4 kutsarang bagoong
  • 5 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • 2 pirasong malaking kamatis, tadtarin
  • 1 kutsarang asukal
  • 3 pirasong dahon ng laurel (bay leaf)
  • 6 pirasong siling haba
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Lagyan ng mantika ang kaserola at painitin, ilagay ang baboy. Haluin hanggang magkulay brown. Hanguin at itabi.
  2. Ilagay ang bawang at sibuyas, igisa hanggang lumambot ang sibuyas.
  3. Ihalo ang kamatis, haluin hanggang lumambot.
  4. Ibalik ang baboy at ilagay ang suka, kalahati ng coconut milk, dahon ng laurel at tubig. Pakuluin sa loob ng 45 minuto o hanggang lumambot ang baboy.
  5. Ilagay ang bagoong at ang natitirang coconut milk, asukal at siling haba at haluin mabuti hanggang mabawasan ang sabaw.
  6. Lasahan ng paminta.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net