Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Gotong Batangas Bulalo

Sangkap:

  • 2 1/2 kilo ng malaman na  beef leg bones o shanks, pwedeng ipatadtad sa butcher sa grocery yung sections ng beef bones
  • 300 g beef tendon, hiwain na maliit na pakuwadrado
  • 1 tasang cane vinegar
  • 1 1/2 litrong hugas bigas
  • 4 pirasong siling haba, hiwain sa dalawa
  • 1 kutsarang annatto powder
  • 2 pirasong sibuyas na pula, tadtarin
  • 1 buong ulo ng bawang, pitpitin at tadtarin
  • 1 thumb sized na uya, hiwaing pahaba na parang posporo (matchstick)
  • mantika
  • asin
  • paminta
  • Tinadtad na spring onions, pang- garnish
  • Pritong bawang,pang- garnish

Paraan:

  1. Ibabad ang  leg bones / shanks sa suka sa loob ng 1 oras.

  2. I-drain ang pinagbabaran at hilamusan ang beef leg bones o shank meat ng asin at paminta.  Sa malaking kaserola, maglagay ng mantika at ilagay ang seasoned meat, by batch at saka itabi pag nagkulay brown ang lahat.  Hanguin at itabi.

  3. Gamit ang kaserolang pinaglutuan ng meat bones ay maglagay ng mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.

  4. Ilagay ang annatto powder, dahan-dahang i-prito hanggang matunaw ang powder sa mantika.

  5. Ilagay ang beef tendons at  beef bones/shank at ibuhos ang hugas bigas, pakuluin at hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 3 oras.

  6. Ilagay ang siling haba, lasahan ng asin at paminta at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 15 minuto para ma-absorb ng karne ang asin at paminta.

  7. Ihain sa serving bowl o mangkok at lagyan sa ibabaw ng pritong bawang at spring onion.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *