Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bocheng Monggo

Sangkap:

Boche

  • 3 tasang glutinous rice flour

  • 250 ml tubig

  • 3/4 tasang brown sugar

  • oil, pang deep frying

Mung Bean Filling

  • 1 tasang green mung bean

  • 1/4 tasang gatas na malapot ( condensed milk)

  • 3/4 tasang asukal

  • 1/4 tasang harina ( flour)

Paraan:

  1. Ihanda ang filling. Ibabad ang munggo tubig sa buong magdamag at i-drain ng mabuti sa susunod na araw.

  2.  Ilagay ang munggo sa kaserola, lagyan ng tubig hanggang ma-cover ng tubig ang munggo. Pakuluin at hinaan ang apoy at hayaang kumulo hanggang lumambot ang munggo. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.

  3. Ilagay ang asukal,  condensed milk at harina, gamit ang stick bender, i-blend ang mixture hanggang maghalo ang lahat ng lahat pero huwag masyado i-blend para may konting texture pa rin, ituloy ang pagluluto ng munggo hanggang lumapot ito.  Alisin mula sa lutuan at hayaang lumamig.

  4. Ihanda ang boche, sa isang malaking mixing bowl, pagsamahin ang  glutinous rice flour at tubig, haluin hanggang mag-form a dough.  Magdagdag ng konting tubig kung sobrang dry o magdagdag ng konting glutinous rice flour kung sobrang basa ng dough.  Haluing mabuti at imasa ng dahan-dahan.  Hatiin ang dough sa maliliit na dough balls ( mga 8 hanggang 10 piraso ng dough balls).

  5. Gamit ang kamay o pwede ring gumamit ng rolling pin para-i-flatten ang dough balls. Pag flat na ang dough balls at ilagay sa palad at sa gitna ng palad ay ilagay ang munggo filling at i-fold ang dough at ibilog ulit ang dough.  Itabi.

  6. Gawin ang parehong proseso sa mga susunod na dough balls.

  7. Ihanda ang kawali na may mantika ( pang- deep fry).  Painitin ang mantika sa 180C at saka ilagay ang asukal na pula, ilagay ang boche, unti unti ( one piece at a time) at i-deep fry ito hanggang matunaw ang asukal at mabalot ng asukal ang boche.

  8. Hanguin mula sa deepfryer gamit ag slotted spoon, ilagay sa serving plate na may paper towel, hayaang lumamig at saka ihain.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *