Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Dengue Cases, Patuloy sa pagtaas!

Nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng cases ng dengue lalo pa at nag-umpisa nang mag face to face classes ang mga estudyante. Bukod sa covid ay may dengue rin silang inaalala dahil tag-ulan at uso ang sakit. 

Pinapayuhan ng DOH ang mga magulang na dobleng ingat para sa kanilang mga anak, at sa mga paaralan na kailangan ay panatilihing laging malinis ang paligid, sa paaralan man at sa kani-kanilang tahanan.

Nakapagtala ng 118,785 mula Enero 1 hanggang Agosto 13 ang kaso ng Dengue, ayon sa Department of Health (DOH).

 Sa kasalukuyan ay 400 na ang nasawi dahil  sa Dengue kaya patuloy na pinag-iingat ang mga tao dahil kung sa datos ng kaso ng Dengue ang pagbabatayan ng DOH, ay lagpas na sa ‘epidemic threshold’  ang bilang ng kaso ng Dengue.