Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bangus Belly and Prawn Escabeche

Isang type ng Filipino escabeche kung saan tiyan ng bangus (imbes na buong bangus) at sugpo ang sangkap sa lutuing ito.

Sangkap:

  • 500 g boneless bangus belly
  • 500 g malaking hipon (walang balat)
  • 1 red capsicum, hiwain pahaba
  • 1 large carrots, hiwain pahaba
  • 1 large tomatoes, hiwain
  • 1/2 tasang pineapple, hiwaing maliit
  • 2/3 tasang cane vinegar
  • 1/2 tasang asukal (i-adjust ayon sa inyong panlasa)
  • 2 kutsarang cornstarch
  • 1/2 tasang tomato puree
  • 1 1/2 tasang tubig
  • 1 malaking sibuyas na pula, hiwain
  • 1 maliit na luya, hiwaing pahaba
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • paminta
  • 2 tangkay ng spring onions, tadtarin
  • asin
  • mantika

Paraan:

1. Kapag medyo mainit na ang kaserola, ilagay na ang mantika at lutuin ang bangus belly sa bawat side sa loob ng 4 minuto (depende sa kapal ng belly). Pagkatapos ay hanguin at itabi.
2. Igisa ang bawang, sibuyas at luya sa mantikang pinaghanguan ng bagus belly.
3. Habang nag-gigisa ay ihalo ang siling pula o capsicum, carrots at hipon at haluin hanggang maluto.
4. Paghaluin sa isang mixing bowl ang suka, cornstarch, tubig, asukal, asin, paminta at tomato puree. Pagkatapos ay ihalo ito sa pan.
5. Idagdag ang pineapple at kamatis at pakuluin at hayaan kumulo sa loob ng 2 minuto.
6. Saka ihalo uli ang bangus belly at spring onion at hayaang kumulo sa karagdagang 30 segundo. Patayin ang apoy at ihain.

Photo credit: www.angsarap.net

For more recipes, please visit www.angsarap.net